Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricar Aragon

Maricar Aragon may makabuluhang bday celeb,  tampok sa Si Jesus ang Tanging Hiling concert

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGING masaya ang birthday celebration ni Maricar Aragon recently. Ginanap ito sa Jollibee at kasama niya rito ang 25 batang may cancer mula sa Friends For Love.

Ayon kay Maricar, “Super-fulfilling, kasi mostly talaga ang birthday celebration ay with the family, masaya po na mag-celebrate in public, pero with a cause po and that’s with the cancer kids.”

Esplika niya, “I don’t feel that it’s for a cause po talaga. Parang I feel like they’re also a part of the family.

“Super-saya po na nakapagmalaking celebration kami. Tapos po sa mga bata po na gusto rin pong maka-experience ng celebration with Jollibee. So, super-happy po and punong-puno po ang puso ko, nakata-touch.”

Ano ang kanyang birthday wish?

Tugon niya, “Ang birthday wish ko po, very generic lang, pero feeling ko po ay ‘yun ang kailangan ng lahat, na sana po everyone receives love and happiness and kindness po from all the people they encounter.”

Incidentally, ang mga bata mula sa Friends For Love ang beneficiary ng gagawing concert ni Maricar na pinamagatang Si Hesus Ang Tanging Hiling. Gaganapin ito sa July 21, 2023 sa Music Museum.

Nabanggit ni Maricar kung bakit Si Hesus Ang Tanging Hiling ang title ng kanyang concert.

Aniya, “Kasi po mayroon akong dalawang single, Hesus at Tanging Hiling, so parang very related sa theme ng concert, which is a concert for a cause, kaya ginawa po naming ganyan ang title.

“And sa concert namin ay maraming guests na darating and surprise guests po,” wika ng singer na isang third-year college student majoring in Communication Arts sa UST.

Ayon kay Maricar, mayroon siyang recital bago ang concert proper at surprise act na dapat abangan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …