Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ara Mina NET25 Litrato

Ara Mina hataw sa pelikula at TV, mapapanood sa Litrato at Magandang ARAw ng Net25

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SA Sabado, July 15, sa ganap na 3-4 pm ay mapapanood na si Ara Mina sa NET25 sa kanyang first ever lifestyle show na Magandang ARAw. 

Kaya naman sa presscon ni Ara para sa naturang weekly TV show ay masasyang-masaya ang aktres at napa-iyak pa ito sa pagiging sobrang emotional.

Sobrang thankful din siya sa NET25 President na si Caesar Vallejos at Creative Consultant Wilma Galvante na naging instrumento sa katuparan ng kanyang matagal nang panarap na maging TV host ng isang lifestyle show.

Pahayag ni Ara, “Thank you to my NET25 family, hindi ko akalain na sila pala ang tutupad sa isa kong pangarap, ang maging host tulad ni Oprah Winfrey.

“Noong bata pa ako ay palagi kong napapanood ang show niya at talagang tutok na tutok ako sa pagiging host ni Oprah. Napakagaling niyang magsalita at mag-inspire, kaya simula noon ay inidolo ko na siya.”

Esplika pa ng aktres, “It’s my dream project after 30 years. I’ve been watching Oprah since I was a teenager. Sabi ko sana magkaroon ako ng ganoong show. Bata pa ako noon at saka puro movies ako noon. This is special to me, kasi marami akong gustong i-share sa mga tao.”

Sa Magandang ARAw na isa siya sa producer,  marami ring isinakripisyo pala si Ara. Halos sumasali siya sa lahat ng aspeto ng show, nagbibigay ng kanyang suggestion sa itatakbo ng show, sa editing, at sa kabuuang kalalabasan nito.

“Sobrang happy ako noong lumabas iyong permit ng MTRCB. Iba ‘yung feeling! Hands-on kasi ako pagdating sa editing, contents, scriptwriting… Halos lahat ng inputs mayroon ako.”

Pahayag pa ni Ara, “Ang show kasi na ito kahit ito ay katuparan ng aking pangarap ay para talaga sa lahat ng mga manonood. Sa kanila ito, kaya gusto kong mapaganda ito.

“Halos lahat ay tatalakayin show na ito, from lifestyle, healthy tips, wellness, pagpapaganda and kasama na rin ang pagta-travel, where to go to, para maging maganda ang inyong araw at bakasyon. At siyempre may mga inimbita rin tayong mga artista para makisaya sa atin at pagandahin ang araw ng ating mga viewers.

“Hindi lang sila nandoon para magpasaya, nandoon din ang ating mga guests para mag-share ng mga bagay-bagay na kakaiba na hindi napapanood o nakikita ng kanyang mga supporters,” paliwanag pa ni Ara.

Masuwerte si Ara sa pagkakaroon ng very supportive na husband sa katauhan ni Dave Almarinez, ang CEO ng Philippine International Trading Corporation.

“Thankful ako sa asawa ko na very supportive sa mga ginagawa ko ngayon. Bukod dito nakapag-shoot at nakatapos ako with one movie, under 3:16 Media Network na ipalalabas sa July 26, 2023, iyong movie naming Litrato with Ms. Ai Ai delas Alas,” sambit pa ni Ara.

Gumaganap si Ara sa pelikulang Litrato bilang anak ni Ai Ai, na isa namang lola na may Alzheimer’s disease.

Bukod kina Ara at Ai Ai, nasa cast din ng pelikula sina Quinn Carrillo, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, Weam Ahmed, at iba pa. Iprinudyus ng 3:16 Media Network ni Len Carrillo at sa direksyon ni Louie Ignacio, mapapanood na ang pelikula simula July 26 sa mga piling sinehan sa buong bansa.

Anyway, special ang pilot episode ng Magandang ARAw, pati na rin ang susunod na episode, dahil ang aktor na si Piolo Pascual ang special guest ni Ara. So, bale two-part ang buwena manong mapapanood kay Ara this Saturday at sa susunod na Sabado, with Papa P!

Sina Piolo at Ara ay nagkasama noon sa That’s Entertainment at siguradong isang very interesting na tsikahan ang dapat abangan sa Magandang ARAw ngayong Sabado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …