Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jessy Mendiola Alexa Ilacad Manila Diamond Studio

Jessy handa nang magbalik-showbiz

RATED R
ni Rommel Gonzales

BALIK-SHOWBIZ na si Jessy Mendiola matapos manganak noong December 28, 2022 sa unang anak nila ni Luis Manzano, si Isabella Rose o Baby Rosie

Handa na raw siya.

“Yes! Oo, actually first ever event ko ‘to since giving birth,” pagtukoy ni Jessy sa grand opening ng Manila Diamond Studio sa 5th floor ng EDSA Shangri-La Plaza Mall. Endorser si Jessy ng naturang jewelry store.

Pagpapatuloy pa ni Jessy tungkol sa showbiz comeback niya, “And I told nga my… I told Luis, I also told my family and of course my management, sabi ko sa kanila I think I’m ready to go out there na, kasi six months na rin ‘yung baby ko, so, sabi ko I think it’s about time.

“Siyempre ‘di ba kailangan din mag-work-work, kasi mudra na,” at muling tumawa si Jessy. “So ‘pag mother ka na ‘di ba, siyempre you have to prepare for your child’s future and all.

“So iyon, sabi ko I’m ready to work, I’m ready to be out there, but actually I’m very thankful, I’m very grateful, kasi kahit medyo nawala ako sa TV and sa movies, sa teleseryes, I’m still active thru social media and people are still supporting me, my Youtube channel.

“And especially noong lumabas na si Peanut, parang everyone’s so supportive, palagi silang nakaabang, ‘yung monthly photos niya na may flowers, ganyan. Nakaabang sila kung anong next color. So sabi ko talagang in fairness talaga, parang hindi nawawala talaga ‘yung showbiz sa life ko.”

Samantala, pinakaunang event na dinaluhan ni Jessy ang opening ng Manila Diamond Studio matapos niyang manganak.

“Overwhelmed ako, kasi kasama ko bagets, ‘di ba si Alexa,” masayang pagtukoy ni Jessy kay Alexa Ilacad na tulad niya ay endorser din ng jewelry store.

“Pero I’m really happy kasi I’m with Manila Diamond Studio for three years now, and wala akong masabi kundi they’re very generous, very kind and very…talagang caring sila.

“Kasi inalagaan nila ako over the years, kaya I’m very grateful na mayroon na naman silang bagong branch sa Shang, kasi before they used to be at the other building, nasa parang Styled sila, it’s a place na maraming iba’t ibang brands.

“So ngayon may stand-alone store na talaga sila, nakaka-proud, kasi nakita ko talaga ‘yung nagsisimula pa lang sila, tapos hanggang sa dumami nang dumami.”

Mahigit tatlong taon ng endorser si Jessy ng nabanggit na jewelry store.

“Magpo-four years na, tapos lahat ng milestones ko sa buhay sila talaga ‘yung witness, tapos si Rosie rin, noong ipinanganak ko siya, tapos ngayon na magpi-first birthday siya, inalagaan din nila, and I’m very grateful sa Manila Diamond Studio family.”

Natanong si Jessy kung ano ang alahas niya na maituturing na prized possession niya ngayon?

“Of course, my engagement ring and my wedding ring, they’re both by Manila Diamond Studio! Pero alam niyo, dati pa mahilig na ako sa jewelry, and ngayon I make sure na ‘yung jewelries na binibili ko or ‘yung mga binibigay sa akin, inaalagaan ko talaga.

“Kasi I want to pass them on to Rosie, to Peanut,” at tumawa ang aktres, “So iyon.

“Ang totoo niyan sila talaga ‘yung prized possession ko talaga, my family.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …