Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai delas Alas Quinn Carrillo Louie Ignacio

Ai Ai ‘di nag-inarte sa shower scene sa Litrato, kahit panty lang ang suot

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUKOD sa pinatanda ang itsura ni Ai Ai delas Alas sa pelikulang Litrato para sa kanyang role bilang si Lola Edna, may eksena rin dito na pinaliliguan si Ai Ai ng caregiver na panty lang ang suot ng Comedy Queen.

Ang Litrato ay pinagbibidahan ni Ai Ai at mula sa award-winning filmmaker na si Direk Louie. Ito’y sa panulat ni Direk Ralston Jover. Tampok din dito sina Quinn Carrillo, Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, Weam Ahmed, at iba pa.

Ang pelikula ay hinggil sa isang matandang babae na nasa care facility na madalas nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil walang dumadalaw sa kanya. Magbabago ang buhay ni Lola Edna nang dumating ang isang estriktang caretaker na ginagampanan ni Quinn.

Ayon kay Ai Ai, lubos ang tiwala niya kay Direk Louie kaya ginawa niya ang eksena, kahit panty lang ang suot niya, dahil kailangang maging realistic ito.

Pahayag ni Ai Ai, “Okay lang, kasi alam ko naman na nandiyan si Direk at poproteksiyonan niya ako. Ilan lang iyong tao roon, siguro dalawang cameraman lang at kami lang ni Quinn, iyon lang ang puwedeng pumasok, iyong iba hindi na.

“So… pero nahihiya pa rin ako, pero laban lang! Hubad kung hubad!” nakangiting wika ni Ai Ai. 

Pagpapatuloy na esplika niya, “Kasi, nagawa ko na rin naman ito sa Area. So sabi ko na lang sa DOP (director of photography) huwag siyang tumingin, parang feeling ko ay nakikita niya ang suso ko, hahaha! Nakakaloka!

“Ito namang (sa Litrato) ay hindi, nakatalikod naman ako habang pinaliliguan, so hindi nakikita ng mga cameraman iyong boobs ko, hahaha!”

Ikinuwento naman ni Direk Louie kung paano ang ginawa niyang execution sa naturang eskena

“Sabi ko sa kanya, ‘Ai, okay lang ba sa iyo na makita iyong mga tattoo, keloids…’ Tapos sabi niya, ‘Kasi direk, iyan talaga ‘yung mga totoong nakikita ko roon sa facility, kaya huwag na natin itago. Okay lang na makita ang panty ko.’

“May mga na-cut pa nga ako na eksena na ‘yung kita ang boobs niya. Siyempre ay in-edit ko na lang bilang proteksiyon ko sa kanya.

“At saka sabi pa niya, ‘Basta direk, ikaw na ang bahala sa akin maghuhubad ako, i-edit mo kung ano ang gusto mo, walang sisihan.’

“Iyon ang sabi niya sa akin, so, inalagaan ko naman siya. Ang ginawa niya, naghubad siya, wala siyang pakialam… Kasi, in character siya, e.

“So, lola ako… kapag lola ba may malisya ba? So, bobosohan pa ba nila ako? So nasa character ako, respetohin na lang nila kung ano ang character ko…

“So, ikaw na ang bahala direk, ikaw na ang bahalang pumutol diyan, kung ano ang dapat putulin,’” kuwento ni Direk Louie sa naging pahayag sa kanya ni Ms. Ai Ai sa nasabing eksena.

Base sa teaser ng pelikula, kargado ito sa matitinding iyakan. Kaya dapat magbaon ng panyo o maraming tissue kapag pinanood ito sa mga sinehan.

         Ipinahayag din ni Direk Louie ang dapat asahan sa pelikula nilang Litrato.

         Sambit niya, “Ang Litrato ay isang drama na pelikula na noong inisip ko ito, itong konsepto na ito, walang iba akong inisip kundi si Ai Ai ang gumanap bilang Lola Edna.”

         “Marami po kayong aabangan sa pelikula at grabe ang twist na mangyayari rito,” dugtong ni Direk Louie.

Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, showing na ang Litrato sa July 26, 2023 in cinemas, nationwide.

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …