Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hannah Nixon

Hannah Nixon humahataw ang career, Viva artist na!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG magandang Fil-Am na si Hannah Nixon ay nag-level up na. Isa na siyang ganap na Viva artist under the management of Viva Artist Agency at nasa pangangalaga ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso.

Nagsimula siya sa showbiz sa pagiging singer/actress at nakagawa na rin ng dalawang movies, ang Color Blind under Direk Ranze A. Cariño at ang Gusto Kong Maging.

Ang debut single niya ay Mahal Na Pala Kita by coach Alrey Zamora, na available sa Spotify, Apple Music and all digital platforms.  

Ngayon ay parte si Hannah ng all-girl group ng Viva, ang MS1 na binubuo niya, with Queen Gomez, Xandra Bonifacio, Jayrish Magallano, Ashantie Tolentino at Farrah Pineda.

Sa buong buwan ng August ay mapapanood sila sa Viva Cafe, tuwing Wednesday at Saturday.

Ano ang plano sa kanilang grupo, magkakaroob ba sila ng single? “Opo, someday ay may plan na mag-release ng album. Pero sa ngayon, more on performance po kami, naka-focus kami sa pagpa-practice, sing and dance po.”

Sasabak din ba siya sa pag-arte, under Viva?

Esplika ng 16 year old na dalagita, “Hopefully po, sa Viva po. Sabi ni Tito Jojo na I have to do mga Viva acting workshops po, bago makalabas sa movies.”

Ano ang reaction niya na isa na siyang ganap na Viva contract artist?

Tugon ni Hannah, “Parang different po talaga, because before that ay freelance lang ako… like, before I didn’t do like any big projects, only indie lang lahat. Tapos mga mall shows lang…

“But now, I’m going to perform at Viva Cafe and I’m going to perform with festivals, with the girls, kaya it’s different po talaga.”

Dagdag pa niya, “So, sobrang excited po ako at happy sa mga nangyayari now sa aking showbiz career.”

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

“I hope na maging successful po ako, I hope na it keeps going the way it’s going. At sana po ay marami pa pong projects na dumating sa akin,” nakangiting sambit pa ni Hannah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …