Sunday , December 22 2024
Sabrina M Rico Yan

Sabrina M. umaming siya ang huling GF ni Rico Yan bago namatay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMING pasabog na revelation sa ginanap na press conference sa pelikulang Manang sa Pandan Asian Cafe last Thursday.

Ang Manang ay mula sa pamamahala ni Direk Romm Burlat at sa ilalim ng TTP Productions na ang producer ay si Ms. Teresita Pambuan. Ang casts ay sina Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, Tess Tolentino, Carl Vincent Cruz, at iba pa.

Sa unang pagkakataon ay inamin ni Sabrina na siya ang huling girlfriend ni Rico Yan, bago ito namatay 27 years ago. Ayon pa sa sexy actress, wala na sina Rico at Claudine Barretto nang naging sila, pero sobrang sikreto raw ng relasyon nila ni Rico.

Nagsimulang umamin si Sabrina nang nagbiro si Direk Romm na sakali bang isasadula ang makulay na life story ni Sabrina, ‘Ire-reveal mo ba lahat, pati relasyon mo kay Rico Yan?” Sambit ni Direk Romm.

Dito’y natawa lang muna si Sabrina, pero nang sundutin namin ukol kay Rico Yan, “Sure… (isasali ko sa life story ko iyan),” mabilis na tugon niya.

Sumunod ay umamin na nga si Sabrina na siya ang last GF ni Rico bago ito namatay.

Esplika ng aktres, “Ganito iyan, eh, about kay Rico Yan, oo, bata pa kami niyan. Ang image niya kasi is wholesome, ako nagpapa-sexy ako noon sa pelikula. So, kapag na-issue kaming dalawa, maraming isuue, maraming sasabihin sa akin. So better kung nagkaroon man kami ng relasyon, mas better na itinago na lang namin iyon.”

“Yes, ito po ang first time na inamin ko iyan,” pakli pa ng aktres.

Sino ang nauna sa kanila ni Claudine na makarelasyon ni Rico? “After Claudine po, matagal din kami (ni Rico), taon din ang binilang, taon kami (ni Rico).”

Pagpapatuloy pa ni Sabrina, “Kasi, noon pa lang na may lumalabas na issue about sa amin, parang ang dami na, eh, dinudurog na agad ako, eh. Dahil kasi siyempre hindi ba, Rico Yan iyan, eh… ‘Bakit siya pumatol sa isang sexy star?’ ‘Bakit siya pumatol sa isang hubadera?’ Eh, Rico Yan is Rico Yan, hindi ba?

“Pero bilib lang ako po ako kay Rico, kasi siya yung tao na hindi mapanghusga, Sa halip, talagang pinagtatanggol pa niya ako. Sabi nga niya na minsan may mga reporters na nagtatanong sa kanya, ‘Hindi nyo  kilala kung sino si Sabrina M kaya huwag nyo siyang i-judge,” pagbabalik-tanaw pa ni Sabrina sa pagtatanggol sa kanya noon ni Rico.

Saan sila nagkakilala ni Rico? “Sa MTB po, noong nagge-guest ako sa show nila,” sambit ni Sabrina.

Dumadalaw din ba siya sa puntod ni Rico? “Well actually, noong minsan po na nandoon kami sa cemetery, talagang dumalaw ako. Hindi naman madalas pero dumadalaw ako. Kapag nasa area ako, dumadalaw ako.

“Kasi siyempre kapag naging parte ng buhay mo iyan, hindi mo na naman makakalimutan iyan, eh.”

Dagdag pa ni Sabrina, “Nandoon ako ng burol at nandoon ako ng libing niya, Nakalapit ako noong ipapasok na siya (sa tomb), inabutan pa ako ni Bobby Yan ng bulaklak para ibigay kay Rico. Alam ni Bobby na naging kami. Napakabait naman nila, na ano, mga tao talaga silang may….”

Saan sila nagde-date? “Ganoon kami ka-discreet. Secret, hahaha! Sa isang ano, hindi makikita ng mga tao… Hindi, nagpupunta siya sa bahay at minsan naman nagpupunta ako sa condo niya. Minsan sa resort, pero siyempre mga patago, hindi ba? Kasi, kilala na rin ako noon, Sabrina M na ako noon at Rico Yan na siya.

“More than two years kami (ni Rico), actually, kami noong time na iyon, noong namatay siya.”

Pahabol na esplika pa ni Sabrina sa naramdaman niya nang namatay si Rico, “Napakasakit noong time na iyon, sobra sobra… Kasi noong time na namatay siya, alam mo iyon? Hindi mo makuhang umiyak, eh, kasi makikita ka ng mga tao, makikita ka ng mga reporter, ‘Bakit umiiyak si Sabrina M doon?’

“That time, hindi ba may issue about kay Rico noon and ayaw ko nang dagdagan bilang respeto kay Rico. And actually noong nakaburol na siya, ilang beses ko rin pinag-isipan talaga kung pupunta ba ako o hindi. Dahil baka ma-issue, hindi ba? Pero may nagsabi sa akin na, ‘Bakit hindi ka magpunta to give respect dahil kayo naman, ganyan.’

“Kasi may mga incident na hindi ko alam kung maniniwala kayo, nakahiga ako, umiiyak lang ako, sabi ko, ‘Ano ba, pupunta ba ako?’ Pero unti-unti nagbibihis ako and nang nandoon na ako sa kotse,bigla nangamoy ng bulaklak sa kotse. “Sabi ng mommy ko, ‘Ayan, kasi ayaw mong magpunta’. Sabi ko, ‘Sige na nga pupunta na ako.’ Tapos biglang nawala yung amoy ng bulaklak.

“Yes, nagpaparamdam siya, dumadalaw siya sa panaginip. Na kapag dumadalaw siya sa panaginip ko, parang nandiyan lang siya sa tabi ko.”

Nabanggit pa ni Sabrina na alam ni Claudine ang naging relasyon nila ni Rico.

Wika ni Sabrina, “Yes alam po niya na naging kami ni Rico. Pero hindi namin pinag-usapan, hindi pa kami nagkita. And I think wala namang magiging problema kay Claudine, kasi noong naging kami naman ni Rico ay tapos na sila. Hindi ko naman pinanghimasukan si Rico during the time na sila.

“Hindi po ako ang naging dahillan ng break-up nila, wala na po talaga sila ni Claudine nang pumasok ako sa buhay ni Rico,” sambit pa ni Sabrina.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …