Wednesday , May 14 2025
Las Piñas Bahay Pag-asa DSWD

Las Piñas Bahay Pag-asa ginawaran ng sertipiko ng DSWD

INIANUNSIYO ni Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar na iginawad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Level II Certificate of Accreditation para sa Bahay Pag-asa, isang youth center ng lungsod.

Inihayag ng alcalde, tanging ang Las Piñas sa mga lokal na pamahalaan sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang nakatanggap ng Level II accreditation mula sa DSWD.

Sa sulat na pinadala kay Aguilar, ipinabatid ng DSWD sa alkalde ang kompletong pagtalima ng lungsod tungkol sa kanilang mga rekomendasyon ng assessment sa center na isinagawa ng kanilang technical staff na si Christie R. Reamico noong 9-10 Pebrero 2023.

Naka-address ang liham kina Aguilar at Lowefe T. Romulo RSW, officer-in-charge ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), na pirmado ni Atty. Megan Therese Y. Manahan, Director IV, DSWD Standards Bureau.

Sinabi ni Mayor Aguilar, inisyu ng DSWD ang Level II Certificate of Accreditation sa Bahay Pag-asa matapos masungkit ang perpektong 290/290 puntos ng Level I application at kontentong nakamit ang mga ninais na requirements para sa Level II Accreditation na may 123/150 puntos katumbas ng 82 porsiyento.

Ayon sa alkalde, batay aniya sa DSWD ang inisyung sertipiko sa Bahay Pag-asa ay may bisa o valid ng limang taon at dapat ilagay sa magandang erya ng center.

Bilang bahagi ng DSWD Reportorial Requirements, hiniling nito sa lungsod na magsumite ng Annual Accomplishment Report kasabay ng paghikayat sa center na panatilihin ang pagkakaloob ng dekalidad na mga serbisyo dahil tuloy-tuloy ang kanilang pagmo-monitor sa mga ipinapatupad na programa sa panahon ng validity ng Accreditation Certificate.

Binigyang-diin ni Aguilar, ang mga bata ay malapit sa panganib at ang mga nasangkot sa paglabag sa batas na nasa pangangalaga ng center ay tumatanggap ng iba’t ibang mga serbisyong magpapaunlad sa bawat indibidwal  gaya ng para sa edukasyon, para sa espirituwal, at physical na aspekto, at iba pa.

Idinagdag ng alcalde, ang mga nakadestinong social workers sa center ay masigasig sa kanilang trabaho para pangalagaan ang mga nasabing kabataan na nalalapit nang tanggapin o manumbalik sa mainstream community. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …