I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGUGULAT ang dating sexy star na si Aubrey Miles sa tapang ngayon ng mga sexy star sa paggawa ng mapangahas na eksena sa movie nila.
“Akala ko, grabe na ‘yung ginagawa ko noon! Mas grabe ngayon.
“Ang sa akin lang eh, pagbutihin nila ang kanilang talent at sana ay gumradweyt sila sa image nilang ito,” pahayag ni Aubrey nang mag-guest sila ng asawang si Troy Montero sa Marites University channel na kinabibilangan namin.
Sa ngayon, ready na ang mag-asawang magbalik-showbiz lala na’t halos wala nang lock in taping at naaayos na nila ang pangangailangan ng anak nilang may autism spectrum.
Sa totoo lang, hindi pa rin nagbabago ang ganda at kaseksihan ni Aubrey kahit may mga anak na. Talbog niya ang ibang sexy stars, huh.