Saturday , November 23 2024
Ara Mina Quinn Carrillo Liza Lorena Louie Ignacio Ralston Jover

Ara Mina tiniyak, makaka-relate ang mga nanay at anak sa pelikulang Litrato

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

IPINAHAYAG ni Ara Mina na naka-relate siya sa kanyang role sa pelikulang Litrato. Si Ara ay gumanap na anak ni Ai Ai rito, na isa namang lola na mayroong Alzheimer’s disease.

Esplika ng aktres, “Naka-relate ako sa role ko rito, una it’s a challenging role for me and pagdating sa elderly ay pusong mamon kasi ako, eh.

“Iyong acting ni Ai Ai at yung make-up sa kanya ay ang galing talaga, grabe! Kaya dalang-dala rin ako sa mga eksena namin,” bulalas ni Ara.

Ayon pa kay Ara, pumasok sa isip niya ang kanyang ina habang ginagawa ang eksena nila ni Ai Ai. “Of course, of course. My mom is not that old like what Ai Ai portrayed, pero alam kong darating din siya roon. So, in-imagine ko talaga, ang motivation ko ay doon.”

Aniya pa, “Ako naman bilang anak, alam ng lahat na mapagmahal ako sa mommy. Although minsan noong kabataan ay nagiging pasaway tayo. Pero hindi ko naman nilalabanan ang mommy ko, kumbaga hindi ko siya dini-disrespect.”

Bakit dapat panoorin itong Litrato? “Dapat itong panoorin kasi, kapag napanood nyo ito, huwag naman sanang dumating ang panahon na magkaroon ng alzheimer’s ang mga magulang… dahil mahirap iyon at masakit, according sa mga pamilyang mayroong ganitong karamdaman…

“So, dapat itong panoorin dahil siguradong makaka-relate ang mga nanay at anak sa pelikula naming Litrato,” diin pa ni Ara.

Anyway, makikita sa pelikula ang isang matandang babae na nasa care facility na madalas nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna (Ai Ai) nang dumating ang isang istriktong caretaker.

Mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo, showing na ang Litrato sa July 26, 2023 in cinemas, nationwide. Kaya parang masasabi rin at mafi-feel ng manonood nito na animo Mother’s Day offering ito, sa buwan ng July.

Ang Litrato ay pinamahalaan ng award-winning director na si Louie Ignacio, at sa panulat ni Direk Ralston Jover. Tampok din dito sina Quinn Carrillo, na gumanap sa markadong papel, Liza Lorena, Bodjie Pascua, Duane David, Weam Ahmed, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …