I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLENG E.A.T. ang isinisigaw ng Tito, Vic and Joey and Legit Dabakads noong unang salang ng noontime show nila sa TV 5 last Saturday.
Bawat commercial gap, may nakalagay na TJV and the Dabarkads, Moving Forward To TV5.
Kung napanood ninyo ang pilot telecast nila, kinanta pa rin nila ang OG theme song ng Eat Bulaga. Pero sa halip na ang salitang bulaga ang gamitin, pinalitan nila ito ng E.A. T.!
Hindi pa tapos marahil ang labanan sa titulong Eat Bulaga.
Gayunman, napanood namin ang opening number nito at lipat-bahay ang konsepto. Parang tulad ng ginawa nitong paglipat mula Channel 2 papunta sa Channel 7.
Maraming naging emosyuonal sa pagbabalik sa TV ng Legit Dabarkads. Kaya hayun, bumuhos ang milyong viewers pati sa online at pati TV commercials ay tambak talaga, huh! Sa bagong EB naman, sinaluduhan ni Isko Moreno ang TVJ sa bagong tahahan at pati na ang grupo ni Vice Ganda sa It’s Showtime na sa GTV ang bagong bahay.
Day 2 ngayon, Lunes, nang bakbakan sa tanghali. Mas magaling pa rin sa hosting at pagpapatawa ang TVJ at Legit Dabarkads!