Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ Sharon Cuneta

Sharon nagpasaring sa TAPE, sinuportahan ang TVJ  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Sharon Cuneta sa bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de  Leon na E.A.T.ay sinabi niya na masaya siya na bumalik na sa ere ang mga ito. Pero masama ang loob niya sa TAPE Inc., dahil sa hindi magandang treatment sa TVJ.

Sabi ni Sharon, “Karangalan ko pong narito ako dahil bumalik sa ere ang ating show ng TVJ.

“Pero talagang sumama ang loob ko dahil dapat inalagaan kayo.

“Ayoko ‘yung pinagdaanan ninyo. You didn’t deserve that.”

Pagkarinig ng sinabi ni Sharon, nag-butt-in si Joey. Sabi niya, “Away ito.”

Natatawang sagot ni Sharon sa kanya, “Hindi naman, kalmang-kalma nga ako.”

Sabi pa ni Sharon, mayroon mang ibang noontime show sa bansa, ay iba pa rin ang saya at pagmamahal na naibibigay ng TVJ at Legit Dabarkads sa kanilang manonood.

“Maraming shows sa noontime, ang may kanya-kanyang nagmamahal pero iba pa rin ang pagmamahal sa mga kasama ng TVJ at Dabarkads.

“So, huwag nating pababayaan na mawala ang kaligayahan ng taumbayan.”  

Kaya naman ganoon ang naging pahayag ng  Megastar dahil sobrang malapit sa kanya ang TVJ. At kaya rin malakas ang loob niya na magsalita against sa TAPE Inc. ay dahil hindi naman siya maggi-guest sa Eat Bulaga, bilang respeto niya sa TVJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …