HATAWAN
ni Ed de Leon
MARAMI na namang bashers si Robin Padilla matapos niyang i-display pa sa social media ang mga high powered guns na umano ay nabili niya. Kung natatandaan ninyo, kaya nakulong si Robin ay dahil na rin sa mga baril niya noon na sinasabi niyang ginagamit niyang props sa kanyang mga pelikula.
Ngayon naman ang katuwiran ni Robin, isa siyang reservist. Hindi siguro alam ni Robin na ang mga reservist ay nananatiling civilian, at hindi puwedeng humawak ng MR o MO.
Dapat naman si Robin mag-iingat na siya dahil senador pa naman siya sa ngayon. Hindi bale noong artista pa siya eh, pero ngayon bilang senador inaasahan na alam niya ang umiiral na batas. At hindi niya dapat na binabalewala ang mga batas na iyon.
Marami na namang damage control na dapat gawin si Robin.