Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shira Tweg Christi Fider Bernie Batin

Masungit na social media tindera na si Bernie Batin, catchy ang debut single na Utang Mo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASUNGIT man siya sa social media, sa personal ay very loveable at masayahin si Bernie Batin.

More than two years ago na nang ma-interview namin si Bernie para sa first movie niya titled Ayuda Babes ng Saranggola Media Productions na pinamahalaan ni Direk Joven Tan.

Dito’y nabanggit ni Bernie na hindi siya makapaniwala na isang ganap na artista na, although labis-labis ang kanyang pasasalamat sa pagkakataong ito.

Si Bernie ay Manic production artist na ngayon na ini-launch nitong June. Kasama niya rito ang mga talented na sina Christi Fider at Shira Tweg.

Ang kilalang social media influencer ay may single na rin, pinamagatan itong Utang Mo at catchy ito kaya cool pakinggan.

Ang single niyang Utang Mo ay hinggil sa taong mahilig mangutang na pagkaraan ay hindi naman marunong magbayad.  Ito ay composed by Joven Tan, under Star Music.

“Nakatutuwa po, kasi pinagkatiwalaan ako ng Star Music na magkaroon ng kanta, kaya nagpapasalamat ako sa kanila,” sambit ni Bernie.

Nabangit niyang first time nag-drag costume sa kanilang launching.

Aniya, “First time kong mag-drag dahil ang dami kong napapanood ngayon at ang daming sumisikat na drag queen. So parang gusto kong i-try. After ko mag-make-up, ang ganda ko pala.”

Si Bernie ay isang certified online sensation na may higit five million followers at 40 million likes sa TikTok.

Isa siyang former OFW at naikuwento ni Bernie kung bakit niya naisipang gawing content ang ukol sa masungit na tindera.

“Noong bata pa ako, nakaranas po ako ng mga tinderang masusungit. Sila ang naging inspiration ko sa contents ko,” nakangiting pagbabalik-tanaw pa ni Bernie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …