Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raphael Landicho

Raphael Landicho ibinili ng cellphone at sapatos ang mga kapatid

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL kasali sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay tinanong namin si Raphael Landicho kung pangarap niya bang maging pulis at ang maging piloto ang isinagot ng batang aktor.

Na “natupad” kahit paano dahil piloto ng robot na si Voltes V ang bahagi ng papel niya bilang si Little John Armstrong sa Voltes V: Legacy.

“Oo nga po,” ang tumatawang bulalas ni Raphael, “ako nga po si Little John nagpipiloto rin po ako [ng robot]. Kaya parang nai-imagine ko na po ‘yung sarili ko in the future na ginagawa ko iyon.”

Dati pa naman niyang pangarap maging piloto pero, “Nagkaroon po ako ng interes sa showbiz. Sabi ko parang, ‘Paano kaya makapunta sa TV? Paano kaya ‘yung proseso?’

“Kaya ayun po, naging artista ako,” sinabi pa ng 10 year-old na si Raphael.

Nakatutuwa si Raphael dahil nalaman namin na sa halip na sarili niya ang ibili ng mga gamit mula sa mga kinikita niya sa showbiz, mga kapatid niya ang ginagastusan niya.

“Hindi ko po ginagastos sa sarili ko eh, ginagastos ko po sa mga kuya ko, isine-share ko po.”

Ibinili ni Raphael ang mga kuya niya ng cellphone at sapatos. Bunso si Raphael sa apat na magkakapatid na puro lalaki.

Proud po sila sa akin kapag napapanood po nila ako sa TV,” ang sagot ni Raphael sa tanong namin kung ano ang reaksiyon ng mga kuya niya na sikat siyang artista ngayon.    

Gumaganap siya bilang anak nina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Beauty Gonzalez sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis kasama rin sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Nikki Co,  Angel Leighton, Niño Muhlach, Jeric Raval, at Maey Bautista.

Ang action-comedy series ay idinidirehe nina Enzo Williams at Frasco Mortiz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …