Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Richard Yap

Allen Dizon kai-insekyuran na ni Richard Yap

RATED R
ni Rommel Gonzales

KILALANG film actor si Allen Dizon kaya naman natanong namin ito sa kung anong fulfillment kapag gumagawa siya ng soap opera? Napapanood si Allen sa Abot Kamay Na Pangarap sa GMA bilang si Dr. Carlos Benitez.

Siyempre maraming iba’t ibang character, iba-ibang role and let’s face it mas malaki ang kita sa TV dahil regular siya. 

“Iyon ang fulfillment ng mga artista, may regular na trabaho.

“At mas malakas ang recall mo sa audience, ‘yung familiarity ng mga tao kasi nakikita ka sa TV almost everyday.”

Lalo pa nga at sikat na sikat ang show nila.

“Kahit saan ka pumunta ngayon may nagpapa-picture, tinatawag ka sa pangalan mo na Doc Carlos.”

Sa social media ay maraming komento na ang guwapo raw ng tatay ni Zoey. Ano ang masasabi ni Allen tungkol dito?

Siyempre ‘di ba, parang iba rin ‘yung napapansin, iyon nga napapansin ‘yung itsura mo, ‘yung dating mo, bagay na maging doktor, ‘yung mga ganoon.”

Biro naming muli kay Allen, nai-insecure na sa kanya si Richard Yap, ang gumaganap sa main male character ng Abot Kamay Na Pangarap na si Dr. RJ Tanyag.

“Hindi naman,” at tumawa si Allen.

“Actually napakasaya ng grupong ‘Abot Kamay Na Pangarap.’

“Napakasaya nilang kasama, para kang nasa bahay lang na kuwentuhan lang kayo, sabay-sabay kumain, nagti-Tiktok sila.”

Maging siya ay napa-Tiktok na rin sa grupo.

Sumasama ako minsan-minsan, hinihila ako ni Zoey.”

 “Sayaw na kung ano-ano lang,” at muling tumawa si Allen. “Hindi naman ako sumasayaw. Anak ko nga, lahat sila nagti-Tiktok ako ano lang… sumasayaw naman talaga ako, ‘di ba, those were the days, ‘yung sa Viva Hot Men, pero ngayon parang hindi na bagay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …