NAGRESULTA sa ilang milyong viewer engagement sa social media ang pag-alis nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) sa Eat Bulaga matapos ang mahigit apat na dekada, ayon sa ginawang in-depth analysis sa viewer engagement ng Capstone Intel, isang research and intelligence company.
Sa isinagawang analysis ng Capstone-Intel sa viewer engagement sa iba’t ibang digital platforms sa pagitan ng 31 May 2023 hanggang 20 Hunyo 2023 lumitaw na umabot sa 8,501,457 ang naging reaksiyon ng publiko sa kanilang paglisan sa Eat Bulaga sa Channel 7.
Para sa keywords TVJ o Dabarkads ay nagkaroon ito ng 3,269 posts at comments na aabot sa 812, 951 comments, ang nag-share ay nasa 297,236 shares at 8,501,457 reactions.
Sa keyword naman na TAPE, Inc., ay nasa 1,673 posts, 409,353 comments, 124,837shares at 3,354,640 reactions.
“The Facebook Engagement Score research showed that the keyword TVJ or Dabarkads received a 1228676.8 while TAPE, Inc., received a 501236.3 using the Comparative Engagement Scores,” ayon sa Capstone.
Pagdating sa reaksiyon, marami ang nalungkot sa paglisan ng TVJ sa Eat Bulaga na naging pangunahing sentimiyento ng publiko.
Ang statement ng TVJ sa huling araw ng kanilang pag-ere sa Eat Bulaga ay pinagpiyestahan din sa social media at naglikha ng iba’t ibang reaksiyon gaya ng 14.6% ang nalungkot at 1.2% ang Anger reaction.
“Capstone-Intel also gathered other online mentions pertaining to TVJ and TAPE, Inc. The findings revealed presence of the TVJ across various digital platforms, with Videos (35.8%), Blogs (20.9%), Twitter (17.7%), Web (8.8%), News (12.6), Tiktok (1.9%), and Forums (1.6%) garnering high percentages. Similarly, TAPE, Inc.’s online presence and mentions were observed multiple digital platforms such as News (48.2%), Videos (16.8%), Twitter (12.8%), Web (12.6%), Blogs (8.3%), and Tiktok (1.3%),” ayon sa data analysis.
Ang Capstone-Intel ay isang high impact research and intelligence company na gumagamit ng innovative research technologies, tools at methods para i-convert ang data at information na makatutulong sa pagresolba sa isang isyu.
“The study revealed engagement scores, reaction distribution, top postings, and sources from several digital platforms,” paliwanag ng Capstone-Intel.
Nakatutulong ang mga data analysis na isinasagawa ng Capstone Intel sa kanilang mga kliyente sa pagresolba sa problema, sa paglago ng kanilang merkado, pagbuo ng reputasyon at maging sa management crises.