RATED R
ni Rommel Gonzales
NEVER pang naligawan ng tomboy si Rabiya Mateo.
“Parang hindi ako maano sa ano (tomboy) hindi ako mabenta,” ang pagbibirong hinaing ni Rabiya tungkol dito.
Masama ba ang loob niya na hindi siya ligawin ng mga tomboy?
“Hindi naman!
“Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.
“Pero maraming nanligaw sa akin na… ito ‘yung nakakatawa, bakla. Na medyo nako-confuse sila, so may mga tatlo siguro,” ang tumatawang kuwento ni Rabiya.
So ginamit siya ng mga ito para mapatunayan kung bakla sila o hindi?
“Pero hindi naman ako nagpagamit.”
Alam naman daw niya na bading ang mga ito.
Lantad na bading na ang mga ito noong manligaw sa kanya?
“Hindi pa naman pero amoy ko ‘yun, eh. Pero hindi ko naman sila dyina-judge parang sinasabi ko, ‘Sis, parang same-same tayo!’
“Pero siyempre I was honest naman na, if I’m not interested kasi umpisa pa lang sasabihin ko na, I’m not interested.
“Kasi kesa naman magsayang tayo ng oras, ‘di ba?”
Napapanood si Rabiya bilang si Tasha sa Royal Blood weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11:00 p.m. tuwing Biyernes sa GTV.
Hinintay pala ni Rabiya ang proyektong ito kaya ngayon lamang siya nagkaroon ng teleserye.
“Last year pa siya sinabi sa akin around September pero siyempre marami pa pong conflict sa schedule, ‘yung kuwento kailangan pang buuin, kailangan maayos ‘yung cast, so iyon po ‘yung hinintay ko.
“At thankful naman ako na hindi ako nagmadali.
“Kasi ‘yung first teleserye ko bigatin ‘yung mga kasama ko so, choosy pa ba ako? May ‘TiktoClock’ naman po ako.”