Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roland Sanchez

NBI Agent aktibong direktor

RATED R
ni Rommel Gonzales

BATA pa ako nagkikritIko na ako ng pelikula,” tugon sa amin ni Roland Sanchez sa tanong kung bakit naisipan niyang tumawid sa pagdidirehe at pagsusulat ng script. Si Roland, sa tunay na buhay ay isang NBI agent.

“Noong nagkaroon ako ng time gumawa ako ng pelikula kasi siyempre gusto ko na ‘yung mga vision ko as a director, as a writer, magawa ko.”

Ang bagong pelikulang idinirehe niya ay ang Ikigai (Life Is A Beautiful Ride) na mula sa produksyon ng Tropang Short Ride.

Ayon pa kay Roland, ang mga matinding problema ng lipunan, base na rin sa karanasan niya bilang NBI agent ay may kinalaman, sa human trafficking, drug trafficking, at ang agricultural smuggling na tema ng Ikigai (Life Is A Beautiful Ride).

Iyan ang pumapatay sa mga farmers natin sa countryside.

“Ang Bureau of Customs mismo ang nag-request sa amin na imbestigahan, tulungan sila.”

Bilang direktor at base sa kanyang mga vision, ano pa ang maaari niyang gawin para sa lipunan?

Ah, number one ‘yung mga pelikula namin transformation na lagi iyan, so meron siyang universal engagement, hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa mga European, mga Amerikano.

“When our film about human trafficking, ‘yung EJK was shown sa Philippine Consulate sa New York, ang daming pumuntang Amerikano roon.

“And tuwing nag-iikot ako sa US at European circuits na ganyan,  sa mga symposium, universal kasi ang tema ng human trafficking and drug trafficking.

“And this agricultural smuggling this is something new to them, maybe hindi nae-experience ng ibang bansa pero rito sa atin rampant ang smuggling ng mga agricultural products dito sa Pilipinas.”

Kuwento pa ni Roland tungkol sa Ikigai (Life Is A Beautiful Ride)… “Back draft story niya is about agricultural smuggling and tungkol sa mga rider kasi rider kasi ako. We intend to submit the film sa international motorcycle film festivals kaya lang sayang naman, so ito pang-Netflix actually pero sasali muna kami sa mga international film festivals,” sinabi pa ni Roland.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …