Sunday , December 22 2024
Adrian Alandy

Adrian matagal nang kinukumbinseng pasukin ang politika

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASAMA sa cast members ng Magandang Dilag si Adrian (dating Luis) Alandy. Sa bagong serye ng GMA ay gaganap ang aktor bilang isang salbaheng mayor na si Magnus.

Tinanong namin si Adrian kung sa tunay na buhay ay inambisyon niyang maging isang politiko.

Naku, hindi! Marami nang nagtanong sa akin before kung… na sumama sa poitika pero… well politely, sinabi ko naman na in a way, gusto kong makatulong sa community, lalo na lumaki ako sa Rizal, so gusto kong makatulong sa community, pero not in a sense na sumali pa sa politika,” kuwento sa amin ni Adrian.

May paliwanag si Adrian kung bakit ayaw niyang pasukin ang politika.

Unang-una, in-advise ng magulang ko noon nang nagtanong ako sa kanila, kasi siyempre very enticing eh, lalo na noong medyo sabihin na nating matunog ‘yung pangalan ko, ‘yung leading roles, parang doon nag-start. Naiimbitahan ka kung gusto mong sumali sa mga… una sa barangay, mga SK, tapos konsehal.

“Sabi ko hindi… tinanong ko sa parents ko, sa amin kasi noong nagsimula ‘yung mga kamag-anak ko sa Rizal sa politika, medyo nagkakaroon ng gap ‘pag sinong nananalo, sinong natatalo, so ayaw kong magkaroon ng ganoon, at saka naguguluhan ako sa buhay ng politics, eh.”

Ito ay sa kabila na may mga kaibigan si Adrian na mga artistang pinasok ang politics tulad nina Ejay Falcon at Jason Abalos.

Oo, sumali na rin sila (politika), si Jason matagal niyang pinag-isipan ‘yan eh. Si Ejay hindi ko ine-expect na sasali siya,” at tumawa si Adrian.

Pagpapatuloy pa ni Adrian, “Pinag-uusapan namin ng asawa ko, kahit recently may mga nagyayaya pa ri , sabi ko nakatutulong naman tayo sa community, may mga charitable ano kami sa Rizal.”

Aktibo si Adrian sa mga outreach programs sa kanilang lugar.

Itong pandemic hindi, pero before, nagbibigay na lang kami ng ano, ‘yung blessing namin na natatanggap na extra, in a way iyon ang naging pledge namin ng asawa ko, na ganoon ang magiging ano namin, puwede kaming tumulong in that way. 

“Lalo na ngayon nilalapitan ko ‘yung mayor ng Taytay, sabi ko kung mayroong mga community services na maaaring makasama, ‘yung mga ganoon.

“Pero not in a political… ayoko ‘yung parang, ‘Oh tatakbo ‘yan,’ hindi, wala talaga sa ano, gusto ko lang talagang tumulong.”

Kaya hanggang sa Magandang Dilag lamang ang pagiging mayor ni Adrian.

Oo,” ang tumatawa nitong reaksiyon.

Bida sa Magandang Dilag si Herlene Budol bilang si Gigi, at sina Benjamin Alves (bilang Eric) at Rob Gomez(bilang Jared) na mga leading men niya.

Nasa cast din sina Maxine Medina bilang Blaire, Bianca Manalo bilang Riley, Angela Alarcon bilang Allison, Muriel Lomadilla bilang Donna, Prince Clemente bilang Cyrus, at Jade Tecson bilang Jadah.

Kasama nila ang mga batikang artista na sina Al Tantay bilang Joaquin, Chanda Romero bilang Sofia, at Sandy Andolong bilang Luisa. 

Sa direksiyon ni Don Michael Perez, napapanood ang Magandang Dilag tuwing 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Pinoy Hits.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …