Monday , December 23 2024
Paolo Contis

Negatibong komento wa epek sa career ni Paolo

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAAGANG natutulog at maagang nagigising. Ganyan ngayon ang pang-araw-araw na routine ni Paolo Contis mula nang maging isa sa hosts ng bagong Eat Bulaga.

“Eh kapag nagigising ako sa hatinggabi hindi na ako makatulog. Maaga na rin akong pumupunta sa studio para mag-rehearse,” pahayag ni Paolo sa mediacon ng movie na Ang Pangarap Kong Oskars matapos ang screening nito.

Kahit nasa adjustment stage pa, “I am enjoying what I do. Masaya kaming lahat.

“Eh hindi naman ako apektado sa bashers at negative comments. Hindi naman perpekto ang buhay ko at alam ito ng lahat.

“Nagpapasaya lang kami ng tao at tumutulong. ‘Yun ang mahalaga sa amin,” saad pa ni Paolo.

Eh kahit may daily show, puwede pa ring gumawa ng movie si Paolo. Heto nga at ilalabas na ang comedy film nila ni Joross Gamboa na Ang Pangarap Kong Oskars sa June 28.

Naku, isang kakaibang komedya ang handog ng dalawa mula sa direksiyon ni Jules Katanyag. After nito, isang movie under MVX ang gagawin ni Paolo na sa abroad kukunan.

See? Hindi apektado si Paolo sa negatibong comments sa kanya!

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …