Sunday , December 22 2024
Yukii Takahashi Wilbert Ross

Wilbert at Yukii magkaka-aminan na, pagkakaibigan isusugal kaya?

NAKALUTANG sa ulap, inaalala ang nakaw na tingin at tawanan ninyo ng espesyal na kaibigan, at dama na mayroong potensiyal na relasyong higit sa pakikipagkaibigan na namumuo sa inyong dalawa. Nakasasabik pero nakakakaba at pinagdadaanan ito ngayon nina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross), mga bida sa serye ng Puregold Channel, Ang Lalaki sa Likod ng Profile.

Isusugal mo ba ang lahat at ipagtatapat ang iyong nararamdaman, kahit na maaaring magbago ang dinamiko ng inyong pagkakaibigan? Worth it ba na ilagay sa panganib ang magandang relasyon?

Habang nalilito rin sina Angge at Bryce kung magtatapat sila sa isa’t isa, ibinahagi ng cast ng hit na serye na Ang Lalaki sa Likod ng Profile ang naiisip nila tungkol sa pag-amin sa kaibigan, na maaaring mauwi sa happily ever after, o sa pagkawala ng isang matalik na kaibigan.

Ayon kay Migs Almendras, na gumaganap na Ketch sa digital serye, “Hindi ako magtatapat, kasi pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan higit sa idea ng pakikipagrelasyon sa isang tao.”

Si TJ Valderrama, na gumaganap bilang Cyrus, nadala na dahil sa mga pangyayayari sa nakaraan. “Na-try ko nang umamin sa isang tao na nagustuhan ko, pero nasira ang pagkakaibigan namin. Naging awkward ang mga bagay at hindi na kami close gaya ng dati. Ngayon, kapag may nararamdaman ako para sa isang kaibigan, hindi ko muna pinapansin at lumalayo ako ng kaunti.”

Maaari ring makaapekto sa desisyon ang tapang, sabi nga ni Anjo Resurreccion, na gumaganap bilang Jerry, “Dahil torpe ako, hindi ako aamin kahit kanino. Ayaw kong maramdaman ang sakit ng rejection.”

Para naman sa iba pang cast ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, dapat kang umamin kapag may nararamdaman para sa kaibigan.

Ani Kat Galang, si Genski sa serye, “Wala namang mali sa pagpapahayag ng totoo mong nararamdaman, lalo na kung espesyal ito. Gusto kong maging honest sa kaibigan ko na mayroon akong special feelings, at hindi ako aasa na mayroon siyang ibibigay sa akin pabalik. Plus points kung gusto ka rin niya. Kung hindi, balik na lang sa friendship!”

At para naman sa bidang aktres na si Yukii, na gumaganap bilang Angge, kailangan tayong maging tapat sa nararamdaman. “Ipapaalam ko sa tao ‘yung nararamdaman ko, at titingnan ko kung may mangyayaring maganda mula roon.”

Si Wilbert naman, o si Bryce, ibinahagi na sa palagay niya, mayroong mga taong okay lang na manatiling kaibigan, lalo na kung hindi pareho nh nararamdaman ang isa. “Mararamdaman naman natin kahit kaunti kung may gusto rin sa atin ang kaibigan natin. Kung ganito, bakit hindi aamin? Baka maging kayo!”

Kahit iba-iba ang pananaw nila sa isyu, sang-ayon ang lahat na mahalagang pundasyon ng pangmatagalang relasyon ang pagkakaibigan.

Sabi ni Moi Marcampo, na si Chili Anne sa serye, “Lahat ng relasyon dumadaan sa pagkakaibigan. Mas mabuting kilala niyo ang isa’t isa bago magdesisyon na maging magkarelasyon.”

Sinesegundahan naman ito ni Star Orjaliza, o ni Yaya Aimee sa ALSLNP. “Kailangan may pundasyon. Kilalanin muna ang isa’t isa bago pumasok sa susunod na level.”

Marami pang miyembro ng cast ang naniniwalang kailangan ang pagkakaibigan sa isang pagmamahalan, gaya nina TJ, Kat, at Anjo.

Mahalaga ang pagkakaibigan sa pakikipagrelasyon. Dumadali ang mga bagay. Mahirap makipagrelasyon, pero kung nararanasan mo ang buhay kasama ang isang tao na tinuturing mo ring kaibigan, nagiging mas masaya,”sabi ni TJ.

May respeto sa dalawang partido kapag nagsimula silang magkaibigan, na para sa akin, mas matatag sa pagmamahal,” ani Anjo.

Dagdag ni Kat, “Sa huli, mas genuine ang pakiramdam ng relasyon dahil kilala ninyo ang isa’t isa sa malalim na paraan.”

Nabanggit naman ni Marissa Sanchez, na gumaganap bilang nanay ni Bryce na si Bessie, ang pagpapakasal. “Walang limitasyon ang pakikipagkaibigan, habang ang relasyon naman ay puwedeng mayroon. Kaya ang palagi kong payo: magpakasal ka sa kaibigan mo.”

Sang-ayon dito si Yukii. “Kung nakikipag-date ka dahil gusto mong ikasal sa hinaharap, dapat ang partner mo, best friend mo rin, dahil ito talaga ang susi sa mabuting pakikipagrelasyon.”

Siyempre, ganito rin ang paniniwala ni Wilbert. “Ang pinakamaayos na partner na puwede mong piliin ay isang best friend–isang taong nandiyan lagi para sa iyo, at isang taong maaasahan ka, ano man ang mangyari.”

Sa nakaraang mga episode ng digital na serye, real-life friends na sina Bryce at Angge, at lumagpas na sila sa pagiging birtwal na magkaibigan. Habang mukhang gusto nilang manatiling magkaibigan, pareho nilang hindi maitanggi ang nararamdaman sa isa’t isa.

Bubuksan ba nina Angge at Bryce ang kanilang mga puso, at ile-level up pa ang kanilang relasyon? O may mga pagsubok at hadlang na darating–gaya ng mga dating mangingibig, at isyu sa pamilya?

Abangan ang pinakabagong episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile sa June 24, 7:00 p.m., sa opisyal na Puregold YouTube Channel.

Gusto mo ba ng LIBRENG entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold Channel sa YouTube. Para sa marami pang update, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa Tiktok.

Narito ang trailer ng episode 10:

Episode 10 Trailer: https://www.youtube.com/watch?v=BgZTz0NZWgw

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …