Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TVJ Showtime

Telebisyon buhay na buhay dahil sa TVJ at Showtime

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON lang lumabas iyan at nagmula pa mismo kay Vice Ganda, na may panahong ang pakiramdam nila wala nang nanonood sa kanila dahil lahat ng tao nasa AlDub

Pero kasinungalingan man, inilaban pa rin sila ng ABS-CBN at sinasabing batay sa Twitter mas maraming nanonood sa kanila kaysa Eat Bulaga noon. Hindi nila inamin na talo sila kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na gumagapang na ang kanilang show.

Para bang napakalaking kasalanan kung hindi ka sa AlDub nanonood,” sabi pa ni Vice.

At nangyari lang iyan dahil sa content, doon sa portion nilang Kalye Serye na nilagyan lang nila ng kuwento at nang mapansin nilang kinikilig na ang mga tao kina Alden Richards at Maine Mendoza. Idea ng TVJ iyon.

Eh ngayon nga naman kikiligin ka ba kung ang nakikita mo ay sina Buboy Villar at Betong Sumaya?

Si Alden nga mismo ayaw bumalik sa Eat Bulaga eh. And take note, buo ang pag-asa ni Maine na makagagawa ng paraan si Alden para payagang makapag-guest man lang sa TV5.

“After all original naman siyang dabarkads,” sabi ni Maine.

Pero hindi nila papayagan si Alden, maliban na lang siguro kung talagang naikasal  na si Maine dahil kung hindi baka, para silang pumulot ng bato to make pukpok their heads. Sadsad na nga ang Eat Bulaga, magbibigay pa ba ng bala ang GMA sa TVJ para talunin ang Showtime? ‘Di dalawang talunan na ang nasa kanila.

Marami ang naguguluhan sa mga pangyayari, pero hindi ba ninyo napansin, nabuhay ang telebisyon at siyang pinag-uusapan ngayon dahil sa kaguluhan?

Nakatutuwa rin ang kanilang labanan eh. Pero hindi nga maikakaila na ang mga Jalosjos ang magbibitbit ng manok na talunan pauwi sa kanila sa Dapitan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …