Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Manalo Vic Sotto Maja Salvador

Sitcom ni Vic sa GMA tsugi na rin?

I-FLEX
ni Jun Nardo

KUMAKALAT sa social media ang tsismis na hanggang August na lang ang sitcom ni Vic Sotto with Maja Salvador at Jose Manalo na Open 24/7.

Hmmm, alam na kaya nila ang tsismis na ito lalo na nga’t sa TV5 na mapapanood ang Tito, Vic and Joey at legit Dabarkads simula sa July 1?

Parang, “It was bound to happen.” Obvious naman ang dahilan, huh!

Eh dalawa ang noontime shows sa GMA simula sa July 1, ang bagong Eat Bulaga at ang It’s Showtime sa GNTV,sister channel ng GMA.

Nasa TV5 sina Vic at Jose at nasa GMA ang sitcom.  Puwede ba ang ganoon sa Kapuso Network?

Ang ibig sabihin, andap din ang GMA sa paglipat sa TV5 ng TVJ, huh! Eh noong inanunsiyo ang pagkawala ng It’s Showtime sa TV5 dahil tapos na ang kontrata nito, at saka naglabasan ang mga post ng host at announcement ang pagtanggap ng GMA sa noontime show ng Dos. Nataon ang lahat sa Media Day ng TVJ sa TV5, huh.

Ang saya-saya ng noontime bakbakan simula sa Hulyo 1, ang anniversary month ng old Bulaga ng TVJ. Ang daming twists and turns.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …