Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente balik-acting, game sa mother role

SA aming panayam sa dating Viva Hotbabe na si Maricar dela Fuente, nalaman namin na nagbabalik-acting na siya at katatapos lang gawin ang pelikulang Ship Show na pinabibidahan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo.

Tampok din dito sina Andrea del Rosario, jaycee Parker, Angelic Guzman, at iba pa.

Sambit ni Maricar, “Yes po, balik-acting ako. Iyong movie ay about sa contest na sinalihan nina Marco at Heaven na gustong-gusto niya kasing maging artista, kahit na noong bata pa lang siya.

“Yes po, first time ko pong gumanap sa role na mother.”

Hindi ba siya nagdalawang isip na gumanap na mother role rito, specially hindi bata si Heaven since 23 yrs old na ang aktres?

Wika ng aktres, “Hindi naman po tito, iyon din naman ang sabi ko kina Boss Vic, na okay na ako sa mommy and tita role.”

May na-feel ba siyang challenge sa kanyang role rito?

“Na-challenge po ako kasi may pinagawa po sa akin dyan na first time ko rin ginawa sa buong buhay ko at kay Heaven Peralejo pa, Pero surprise muna po ito, hindi ko muna sasabihin. Kaya abangan nyo po sa showing ng movie,” pakli pa niya.

Nag-audition ba siya rito and anong project ang huli niyang ginawa?

Tugon niya, “Hindi po ako nag-audition, pinili po ako rito kaya thankful ako sa Viva na ako ang napili rito.

“Ang last acting project ko po ay noong 2018, yung movie na Miss Granny under Viva Films na ang bida ay si Sarah Geronimo.”

Nabanggit pa ni Maricar na wish niyang magtuloy-tuloy ang pagiging active niya sa showbiz.

“Super-happy ako kapag may project, kaya sana ay magtuloy-tuloy na ulit, since nahinto po talaga, lalo na noong pandemic,” nakangiting sambit pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …