Thursday , September 28 2023
arrest posas

Animoy kendi lang kung magbenta ng shabu
NOTORYUS NA TULAK NASAKOTE 

Nagwakas ang maliligayang araw ng isang notoryus na tulak ng iligal na droga nang ito ay tuluyang mahulog sa kamay ng batas sa Angat, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala ni Police Major Mark Anthony L. San Pedro, hepe ng Angat Municipal Police Station (MPS) kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang arestadong suspek ay kinilalang si Rozano Pascual ng Brgy. San Roque, Angat, Bulacan.

Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng  Angat MPS sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 3) matapos na magpositibo ito sa pangangalakal ng iligal na droga.

Nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu  na tinatayang may timbang na 0.166 gramo at may street value na PhP 2, 000.

Napag-alamang parang kendi lamang kung magbenta ng shabu ang suspek at kahit sa kalye ay nag-aabutan sila ng mga suking user kaya naman tinagurian siyang notoryus na tulak ng bayan.

Nakadetine na ang suspek sa Angat MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.(Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …