Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barreto Gerald Anderson

Julia Barreto sinagot issue sa kasal kay Gerald Anderson

ni Allan Sancon

MAG-ISANG rumampa si Julia Barretto sa Red Carpet premiere ng kanyang bagong  pelikulang, Will You Be My Ex? dahil ang leading man nIyang si Diego Loyzaga ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.

Natanong tuloy ng ilang press kung bakit hindi niya isinama si Gerald Anderson sa premiere night para suportahan siya sa kanyang movie

“He is waiting me for dinner after the premiere night, kaya let’s watch na the movie para makapag- date na kami,”  ‘yan ang pabirong sagot ni Julia.

Dahil nauuso ang kasal ay naurirat tuloy namin kung may plano na rin ba silang magpakasal ni Gerald?

“In God’s perfect timing,” maikling sagot ni Julia.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sa isang pelikula sina Julia at Diego at in fairness naman sa kanila ay nakita naman ang chemistry sa big screen habang ginagampanan ang mga karakter nina Chris (Julia) at Joey (Diego).

Istorya ito ng magkasintahang nauwi ang relasyon  sa hiwalayan. Ang tanong ay kung magkakabalikan ba silang dalawa o magiging magkaibigan o mag-ex? Aabangan din sa pelikula ang intense kissing scene ng dalawa at maayos naman na pagkakakuha ng kanilang lovescene. Siguradong makare-relate sa pelikula ang mga mag-jowa lalo na ang mga mag-ex! 

Makakasama rin sa pelikula sina Bea Binene, ang komedyanteng si Divine Aucina at marami pang iba. This is directed by Real Florido. Palabas simula kahapon, June 21, 2023 in cinemas nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …