Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo Ai Ai delas Alas

Kakaibang Ai Ai delas Alas, tampok sa pelikulang Litrato

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LUMABAS na last Monday ang teaser ng pelikulang Litrato na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas at walang dudang kakaibang Ai Ai ang mapapanood dito.

Very obvious, na base sa teaser ay may hatid na matinding iyakan ang pelikulang ito na pinamahalaan ng award-winning director na si Louie Ignacio. Kaya dapat na magbaon ng panyo o maraming tissue kapag pinanood ito sa mga sinehan next month.

Ang Litrato ay kuwento ng isang lola na may Alzheimer’s disease na ginagampanan ng Comedy Queen na si Ai Ai.

Makikita rin sa pelikula ang isang istriktong caretaker na ginagampanan naman ng talented na actress/.writer na si Quinn Carrillo.

Mula sa panulat ni Direk Ralston Jover, tampok din dito sina Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, at iba pa..

Makikita sa pelikula ang isang matandang babae na nasa care facility na madalas na nanghihingi ng mga litrato sa mga taong hindi niya kilala dahil wala sa kanyang dumadalaw. Magbabago ang buhay ni Lola Edna (Ai Ai) nang dumating ang isang istriktong caretaker.

Kapag ang puso’y tunay na umiibig, alaala’y mananatili. Showing na ang Litrato sa July 26, 2023 in cinemas, nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …