Friday , November 15 2024
dead gun police

Sa Norzagaray, Bulacan
KAPITAN NG BARANGAY TINAMBANGAN PATAY

PATAY agad ang isang kapitan ng barangay nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes ng gabi, 16 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Lynelle Solomon, hepe ng Norzagaray MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Marcelino Punzal, 63 anyos, Kapitan ng Brgy. Bangkal, sa nabanggit na bayan.

Nabatid sa imbestigasyon, dakong 8:00 pm, galing sa isang pagtitipon ang biktima kasama ang ilang opisyal ng barangay sakay ng isang Mitsubishi Estrada, may plakang XJV-160 nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek sa bahagi ng Eden Ville Rd., sa Brgy. Partida, ng nasabing bayan.

Agad namatay ang biktima sanhi ng mga tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Norzagaray MPS at Bulacan PPO Forensic Unit sa pinangyarihan ng krimen, nakuha ang mga basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril.

Ayon kay Manuel Salvador, sekretarya ng barangay, walang nababanggit na mga problema ang biktima kahit araw-araw pa niyang kasama sa kanilang barangay.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kasama ang pagre-review sa mga kuha ng CCTV sa lugar at pangangalap ng salaysay sa mga posibleng testigo sa krimen.

Samantala, nagpahatid ang pamilya ni Norzagaray Mayor Maria Elena Germar at kanyang konseho ng pakikidalamhati sa pamilya at mga kaanak ni Brgy. Captain Punzal na inilarawan nilang masipag at mahusay na punong barangay. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …