Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Megan Young Rabiya Mateo

Megan at Rabiya aprub sa pagsali ng mga misis, transgender, transsexual sa MUPH

RATED R
ni Rommel Gonzales

DAHIL isa siyang beauty queen, hiningan namin ng opinyon si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateotungkol sa regulasyong pinapayagan nang sumali sa Miss Universe Philippines at Miss Universe ang mga kandidatang may asawa, may anak, transgender, at transsexual.

Alam niyo po, ‘yung MU Organization they’re all after inclusivity.

“Kasi ‘yung tanong ‘pag nagka-anak ka na ba, stop na ba ‘yung pagiging matatag mong babae?

“Ngayon they want to include everybody and I know maraming magtataas ng kilay because iba ‘yung nakasanayan nila. Iba ‘yung nakasanayan natin.

“Pero change is good, and this change is a powerful message.

“So ako personally I’m all for it kasi hindi naman ibig sabihin na ‘pag nanay ka, ikaw agad ‘yung panalo. Still, you have to compete.

“And ‘yung mga nanay natin, transwomen, you know, married women, they have a powerful story to share and ganoon po ‘yung essence of beauty pageant, to be transformative.”

Gaganap si Rabiya bilang si Tasha sa Royal Blood ng GMA.

Sa direksiyon ni Dominic Zapata, ito ay pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Napapanood weeknights 8:50 p.m. sa GMA at 11:30 p.m. mula Lunes hanggang Huwebes at 11 p.m. tuwing Biyernes sa GTV. 

All out din si Megan Young sa planong ito ng MU.

Ako I’m all for it! I embrace you know, the new changes, it’s a changing world din naman, so I’m excited for the future in pageantry.

“Kasi it’s not always gonna be the same. The pageants, like Miss World and Miss Universe back in the day are completely different from how they are today.

“‘Yung nire-represent nila dati iba na rin ngayon so I’m excited to see where pageantry will also be in the next twenty years,” pahayag ni Megan na mapapanood din sa Royal Blood bilang si Diana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …