Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto

Julia Barretto no-no ang pakikipagbalikan sa ex

RATED R
ni Rommel Gonzales

WALANG babalikang ex si Julia Barretto. Ito ang iginiit sa amin ng aktres nang matanong sa media conference ng bago niyang pelikula sa Viva Films.

In connection kasi sa pelikula niyang Will You Be My Ex?, natanong si Julia kung siya ba ang tipo ng tao na nakikipagbalikan sa isang dating karelasyon.

May prinsipyo kasi ang ibang tao, na kapag dating karelasyon o ex na, hindi na binabalikan. Ano ang opinyon ni Julia tungkol dito?

“Feeling ko iba-iba iyon for everybody. Based on my personal experience, hindi na talaga. 

“Siguro with what the relationships that I’ve been in, it’s clear na it’s better off na mag-separate ways na.

“But I feel with other it works, and for respect and support to that, for others na who try again and it works out.

“It’s just not the case for me and I’m happy that that’s the case.

“I mean I’m very happy now, so…”           

Isa pang naitanong kay Julia ay okay lang ba sa kanya na makipag-date sa ex ng isang kaibigan?

“No way,” ang mabilis na sagot ni Julia habang umiiling.

Ano naman ang learnings ni Julia sa paggawa ng Will You Be My Ex?

“I think letting go of… I think being able to let go kahit mahal mo pa ‘yung tao especially if iyon ‘yung makabubuti para sa kanya at saka para sa iyo.

“It’s setting them free. It’s very cliché but I feel like, ano siya eh, it’s cliché for a reason, it’s because it’s true. So iyon ‘yung natutunan ko sa movie, you set the people you love free.”

Pero tila mahirap gawin iyon.

Sobrang hirap, exactly. Watch na lang the film.”

Ipalalabas ang Will You Be My Ex? sa mga sinehan sa June 21, sa direksiyon ni Real Florido at mula sa Studio Viva, Firestarters Production, at Viva Films.

Gaganap dito si Julia bilang si Chris, si Diego Loyzaga bilang si Joey, si Bea Binene bilang si Yanna, si Juan Carlos Galano bilang si Jed, at si Divine Aucina bilang si Jonjie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …