Sunday , December 22 2024
Herlene Budol Magandang Dilag

Herlene may potensiyal maging dramatic actress

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAHINA sa pag-memorya ang beauty-queen turned actress na si Herlene Budol. Isa nga ‘yon sa ibinabato sa kanyang tsismis habang ginagawa ang debut TV series niyang Magandang Dilag na mapapanood sa GMA Afternoon Prime sa June 26.

“Opo, hirap po akong magmemorya. Hindi ko naman ipinagkakaila ‘yon,” pahayag ni Herlene sa mediacon ng series.

May paraan naman siyang ginagawa para makabisado niya ang mahahaba niyang linya.

“Isinusulat ko po sa isang papel ‘yon. Kinakabisado ko talaga.

“Pati dayalog ng kaeksena ko, kinakabisado ko.

“Eh dahi sa ginagawa kong pag-memorya, napapanagipan ko na ito,” dagdag pa ng nakilalang Hipon Girl.

Bumilib kay Herlene ang co-star niyang veteran actress na si Chanda Romero kaya naman naisip niyang dedicated ito sa kanyang trabaho.

Maging ang director ng series na si Don Michael Perez ay impressed sa ipinakitang husay ni Herlene at iba niyang co-stars.

Pagbibida naman ng ilang GMA executives, para kay Herlene ang series na kahit comedy ang image noonh una eh nakitaan nila ng potensiyal sa pagiging dramatic actress.

About Jun Nardo

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …