HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI naman masasabing kaya niya ginagawa iyon ay dahil gipit siya o kailangan niya ng pera. Pero marami nga ang nagtataka kung bakit ang isang poging matinee idol ay madalas na nakikitang guest sa mga gay parties.
Nagsisimula lang naman iyon na parang karaniwang party, pero basta nagkainuman na, roon na nagsisimulang maging wild ang mga kasali. Iyong kanilang “Guest” na binabayaran naman ay either nagpe-perform sa harap nila o kaya naman inira-raffle siya at ang mananalo puwede siyang i-take. home.
Si Matinee idol daw ay sanay nang
mag-perform at mai-take home. In fact, may mga suki na nga raw iyon at nagpapa-take home na kahit na walang party.