Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

Brgy. kagawad na miyembro ng criminal gang, nasakote

INARESTO ng pulisya ang isang barangay kagawad na sinasabing miyembro ng Reyes Criminal Gang sa ipinatupad na search warrant sa San Ildefonso, Bulacan kamakalawa.

Sa ulat mula kay PLt.Colonel Jay Dimaandal, hepe ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Group/Acting Force Commander, Regional Mobile Force Battalion 3, magkasanib na mga tauhan ng RID-ROG3, 301st MC RMFB3, Intelligence Section RMFB3 at San Ildefonso MPS ang nagpatupad ng Search Warrant no.65-M-2023 na inilabas ni Judge Hermenegildo C. Dumlao II, Executive Judge, Regional Trail Court, Third Judicial Region, Branch 81, Malolos, Bulacan laban kay Edgardo Cruz y Valdez, 50, baragay kagawad ng Barangay Umpucan, San Ildefonso para sa paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act.

Sa isinagawang paghahanap, ang operating troops ay nakasamsam mula sa barangay kagawad ng isang 9mm pistol; isang caliber 380 pistol na walang serial number na may magazine na kargado ng tatlong bala; isang caliber .380 revolver at mga bala para sa iba’t-ibang pistola.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A.10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions Act.

Ayon sa ulat, ang Reyes Criminal Gang ay iniuugnay sa robbery hold-up, carnapping at gun for-hire activities sa San Ildefonso at karatig-bayan ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …