Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vin Abrenica Sophie Albert Avianna

Vin na-enjoy ang pagiging ama kahit aminadong ‘di pa handa

RATED R
ni Rommel Gonzales

TWO years old na ang daughter nina Vin Abrenica at Sophie Albert na si Avianna kaya natanong namin ang aktor kung paano siya binago ng fatherhood?

“Well, it changed me… to who I am now. Lahat ng purpose ko in life, everything I do is for her.

“It changed me in a way na I want to set up my life straight. It’s hard, kasi the question always pops up in my mind na iniisip ko, ‘Do I want to be that person na she will end up being with one day?’

So para sa akin, I wanna be that guy. I wanna set up an example na especially sa akin eh, babae.

“Gusto kong maibigay sa kanya kung ano talaga ang tunay na imahe ng isang lalaki, kung paano siya dapat tratuhin ng isang lalaki.

“Na ibibigay ko sa kanya lahat para eventually she knows na dapat, ‘O, tatay ko, tinatrato ako na ganito.’

“Or I wanna give her the world.”

Sinabi rin ni Vin na hindi pa siya handang-handa sa pagiging ama nang dumating si Avianna sa buhay niya.

I guess you will never be ready pala siguro, ano? Kasi kami ni Sophie, that time we were going nine years.

“Eight years kami noon. On our 10th year, nagpakasal kami. So… that time hindi kami ready. Hindi namin pinlano na makabuo.

“That time noong nakabuo kami, it was the height of the pandemic.

“So, buntis si Sophie, magkasama lang kami sa iisang kuwarto the whole nine months. I was part of the journey.

“And kahit hindi ka handa, magiging ready ka talaga, eh. Alam mo ‘yun. Kasi, the responsibility calls for it, eh.

“So ako naging ready ako in a way and I loved every part of it. Nagustuhan ko talaga ‘yung journey. Sobrang nag-enjoy ako.

Na parang naramdaman ko, may postpartum din pala, ‘yung stages of being pregnant and well, naging challenge ‘yun at naging means ‘yun para lalo kaming magmahalan.”

Bida si Vin kasama ang kapatid niyang si Aljur Abrenica sa suspense-thriller na The Revelation with Ana Jalandoni, at Jelai Andres, sa direksiyon ni Ray An Dulay.

Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan sa June 21, produced ng House of Prime Films and Hand Held Entertainment Production ni Kate Javier.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …