Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Tayuan

Angeli Khang, playgirl na maghahabol sa lalaki sa Tayuan

ALAM MO NA! ni Nonie Nicasio

MGA katawang nagkikiskisan. Mga pusong magbabanggaan. May pag-asa ba ang pagmamahalan ng isang playgirl at isang lalaking nakatali na?

Mula sa direksiyon ni Topel Lee, ipakikita ng pelikulang “Tayuan” ang kuwento nina Ella (Angeli Khang) at Rico (Chester Grecia) na mag-uumpisa sa isang bus.

Si Ella ay isang events project manager. Dahil hindi siya maka-book ng masasakyan, mapipilitan itong sumakay ng pampasaherong bus. Dikit-dikit at tayuan na ang mga pasahero dito at habang nakasiksik ang katawan ni Ella sa konduktor na si Rico, hindi mapigilang mag-init ang dalawa.

Hindi makalimutan ni Ella ang pakiramdam niyang iyon at hinahanap-hanap na niya si Rico. Kahit nang malaman niyang may asawa’t anak na siya bale-wala ito sa kanya. Ang gusto lang naman niya ay casual hookup at hindi commitment. Sa katunayan, sumisiping sa iba’t-ibang lalaki si Ella. Ngayon, si Rico ang gusto niya at hindi siya titigil hanggang makuha niya ito.

Dating babaero si Rico, pero nang mabuntis niya ang kanyang girlfriend, pinakasalan niya ito at nangakong iiwas sa temptasyon. Pero kahit anong iwas niya, hindi siya tuluyang makalayo kay Ella. At nang bumigay na siya sa gusto ng dalaga, mas napaligaya siya nito kumpara sa kanyang asawa.

Ang hindi nila inaasahan ay ang mahulog ang damdamin sa isa’t isa. Kung hindi pa sila tumigil, siguradong mayroong masasaktan. Pero kaya ba nilang talikuran ang isa’t isa?

Patutunayan na naman ni Angeli kung bakit isa siya sa pinaka-kinahuhumalingang artista sa Vivamax, lalo na sa dami ng sexy scenes nila ni Chester.

Kasama sa pelikulang “Tayuan” sina Stephanie Raz bilang si Bing (asawa ni Rico), Rash Flores bilang Nigel (kaibigan at kumpare ni Rico), Francine Garcia bilang Mags (best friend ni Ella), at PJ Rosario bilang Harold (first love ni Ella).

Mapapanood ang “Tayuan” simula June 23, 2023. Punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …