Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya mas tumibay ngayon ang relasyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

LABINGWALONG buwan na pala ang relasyon nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, kasama na rito ang isang linggong break up nila.

Parang nag-away lang kami na nagkatampuhan. But because we’re in showbiz, parang everything was blown out of proportion.

“So, totoong nagkaayos na kami, at saka pa lang lumabas ‘yung article na break na kami, this and that.

“So, nag-usap na kami na, ‘Okay, panindigan na lang muna natin ‘to,’

“Because we don’t want to confuse the public and have them say na, ‘Ano ba, gimmick ba nila ‘to?’

“Tapos, noong naging private kami, we fixed ‘yung mga bagay na kailangan naming ayusin,” kuwento ni Rabiya.

Matapos ang kanilang break-up, mas lalong tumibay ang relasyon nila.

We had to build each other’s trust ulit. We really need to be honest with each other. And during that time na akala ng tao wala na kami, we were building on something.

“Ako po kasi, that time noong wala na, I was looking forward to move on with my life because may trabaho po ako, may pamilya akong kailangang pakainin.

“So, boong bumalik, parang I prayed for it. Parang, sabi ko Lord, it’s gonna be a tough love, it’s gonna be full of challenges, pero kung ito ‘yung taong ibibigay mo sa akin, let me know.

“And then, nagsimba po ako noon and during that time, I know it’s kinda cheesy pero ‘yung service is to love unconditional. You don’t love somebody because…I love you because, ganoon. Pero ‘yung totoong pagmamahal is that, I love you even if,” kuwento pa ni Rabiya.

Gumaganap si Rabiya bilang si Tasha sa Royal Blood ng GMA na eere na simula sa June 19 sa GMA Telebabad.

Bida rito si Dingdong Dantes bilang si Napoy at kasama rin sina Rhian Ramos bilang si Margaret Royales-Castor, Megan Young bilang si Diana Royales, Mikael Daez bilang Kristoff Royales, Dion Ignacio bilang Andrew Castor, Lianne Valentin bilang Beatrice Royales, Arthur Solinap bilang Emil Bañez, Benjie Parasbilang Otep, Carmen Soriano bilang Camilla, Ces Quesada bilang Cleofe, Aidan Veneracion bilang Archie Royales, James Graham bilang Louie Castor, Princess Aliyah bilang Anne, Sienna Stevens bilang Lizzie Terrazo, at Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.

Ang Royal Blood ay sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …