Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Bea Binene Real Florido

Bea puring-puri ang kagandahang asal ni Julia

RATED R
ni Rommel Gonzales

BITIN daw ang pagsasama nina Julia Barretto at Bea Binene sa Will You Be My Ex? na ipalalabas sa mga sinehan sa June 21.

I wish I had done more scenes with Bea and had more shooting days with her. Si Diego [Loyzaga] at saka si Bea ‘yung talagang nakapag-work together,” saad ni Julia.

“We did one scene together but I feel like the energy, overall sa set, okay talaga, eh. Everybody was so positive. Everybody got along and even meeting her for the first time, everything was just so natural.

“But, you know what, sobrang ganda ng role ni Bea kasi she’s so lovable. Parang mas gugustuhin ko na lang ‘yung kayo ang magkatuluyan. Ganoon kaganda ang role.

“You’re really gonna love Bea in this film. She really did it with so much justice,” sinabi pa ni Julia.

Isa lamang ang eksena nila sa pelikula pero kahit sandali lamang ang pagsasama nila, hindi malilimutan ni Bea ang magandang asal ni Julia sa una nilang pagkikita sa set.

Kuwento ni Bea, “Hindi ko alam kung natatandaan niya ito, pero may na-appreciate ako na gesture niya. ‘Di ba po ako, palagi kong kasama si Mama?

“She really went to my mom and [she said], ‘Hi Tita, ako po si Julia.’ And that I really appreciate.”

Pagpapatuloy pa ni Bea, “Ngayon lang ako nakapagtrabaho kasama ‘yung actors from different network because I got used to working with people from GMA. 

“Noong una, nakakapanibago.

“It’s my first time working with Julia, but I’m actually grateful dahil ang warm ni Julia.

“Katulad ng sinabi niya, it was really bitin. Sana we had more time to talk and we had really more time to work with each other.

 “She’s really warm. Sana people know her like how I knew her. Ang gaan niyang kasama. Ang gaan niyang katrabaho.”

Sa pelikula si Julia si Chris at si Bea naman si Yanna,  si Diego ay si Joey at kasama rin si Divine Aucina bilang si Jonjie.

Ang pelikula ay idinirehe ni Real Florido at mula sa produksiyon ng Studio VivaFirestarters Production at Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …