ARESTADO ang anim na indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas sa patuloy na operasyon ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes ng umaga, 12 Hunyo.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, sa mablis na pagresponde sa tawag ng isang concerned citizen sa Meycauayan CPS, nadakip ang apat na sugarol sa Little Baguio, Brgy. Malhacan, sa lungsod ng Meycauayan.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 mga suspek na kinilalang sina Darwin Aygo, Ariel Danzen, Raymond Mendoza, at John Carlo Figueroa na naaktohan sa pagsusugal ng pusoy.
Gayondin, sa isinagawang anti-Illegal drugs operation ng Bustos MPS Drug Enforcement Unit, nadakma ang suspek na kinilalang si Charlie Laurio sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng Bustos, kung saan nakompiska mula sa kanya ang apat na piraso ng selyadong pakete ng shabu.
Samantala, isinilbi ng Calumpit MPS ang warrant of arrest para sa kasong Theft sa suspek na kinilalang si Russell Wico sa Brgy. Corazon, sa bayan Calumpit. (MICKA BAUTISTA)