Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CJ Gesmundo Daniel Fernando Bulacan Independence
SA IKA-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas, dumalo si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, bilang Panauhing Pandangal sa Pook Pangkasaysayang Simbahan ng Barasoain sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Hunyo. Ang tema ng okasyon ay “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” (MICKA BAUTISTA)

Kalayaang minana pangalagaan, pagyamanin – CJ Gesmundo

“BILANG mga Filipino, may tungkulin tayo na pangalagaan at pagyamanin ang kalayaang minana natin. Lahat tayo ay tinatawag na pagsikapang maisakatuparan ang mga pangarap ng bumubuhay sa pagnanais nating lumaya.”

Ito ang mensahe ni Punong Mahistrado ng Korte Suprema Alexander Gesmundo sa ginanap na Ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng umaga, 12 Hunyo.

Sinabi ng Punong Mahistrado, lahat ay may karugtong na responsibilidad na dapat pasanin kasama ang mga karapatan at kalayaang tinatamasa nila.

“Tungkulin nating bantayan hindi lamang ang ating kalayaan at kapakanan kundi pati ng kapwa natin, ng bawat isa sa atin, at hindi lang para sa kapwa nating nabubuhay ngayon kundi para sa mga susunod na henerasyon,” ani Chief Justice Gesmundo.

Gayondin, naniniwala si Gob. Daniel Fernando na tungkulin ng mga tao na gamitin ang biyaya ng kalayaan upang tulungan ang ibang tao at bigyan sila ng kakayahan na kontrolin ang isang bagong rebolusyon sa kanilang buhay, hanapbuhay, at hinaharap.

“Tayo ay tinatawagan na mag-ambag ng kakayahan at lakas upang palayain ang ating bayan sa patuloy na pagkaalipin, kawalan ng oportunidad sa buhay, kakulangan ng proteksiyon sa lipunan, at mga banta ng kalamidad at karahasan,” anang Gobernador.

Dumalo rin sa programa sina Bise Gob. Alexis Castro, ilang mga kinatawan ng Kongreso, mga bokal, at ilang mga punong bayan at lungsod at mga pangalawang punong bayan at lungsod sa lalawigan.

Ang Ika-125 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Filipinas ay may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.”

Ipinagpatuloy ang programa sa kabila ng ulan sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, at pamahalaang panlungsod ng Malolos. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …