Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
VMX Bellas

Quinn Carrillo, agree ba na ang VMX Bellas ang bagong Sex Bomb?

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KABILANG si Quinn Carrillo sa bagong all girl group na VMX Bellas na ang apat pang members ay sina Hershie de Leon, Denise Esteban, Angelica Cervantes, at Tiffany Grey.

Sa ipinakita nilang mahusay na performance kamakailan sa Viva Cafe, tiyak na hahataw pa lalo ang limang talended na hottie na ito.

Sa aming panayam kay Quinn recently, inusisa namin siya kung paano niya ide-describe ang VMX Bellas.

Saad niya, “Ngayon po kasi mas fierce and sexy yung branding namin, unlike noong time namin as Belladonnas. siyempre over the years mga nag-mature na rin po kami and since galing naman po kami sa Vivamax na mga nag-sexy, kaya po mas on brand siya ngayon as fierce and sexy.”

Aminado si Quinn na na-miss niya ang mag-perform tulad ng panahong aktibo pa ang kanilang grupo na Belladonnas.

“Opo, sobra! Na-miss ko po talaga ang mag-perform. Iba po kasi siya from acting… iba yung energy na nakukuha mo from the crowd, eh.

“Tsaka para sa akin po kasi, mas free ka pag performing, kasi mas ikaw iyong inilalabas mo at ine-enjoy mo lang yung music, ganoon,” sambit pa ng mahusay na actress/writer.

Parang nabuhay ba ulit ang Belladonnas?

“Hindi naman po sa nabuhay ulit. Siguro partly, since yung ibang members noon, kasama pa rin po now. Siyempre iba na po iyong ngayon, sa time namin as Belladonnas noon.”

May kaibahan ba ang VMX Bellas sa Belladonnas?

“Mayroon po. Back then when we were Belladonnas, siyempre po mga bagets pa, mga pa-cute, ganyan. Ngayon po need na ipakita na nag-mature na kami as individuals.”

How about sa ibang all girl group, ano ang masasabi niyang kaibahan ngVMX Bellas?

“Hindi ko po masabi kung anong kaibahan, eh. Kasi po lahat naman po kapag gumagawa ng all girl group may branding na po iyan sila na ina-achieve.

“So, ang masasabi ko lang po is, kami stick kami sa branding namin.”

Ano ang reaction niya, ang VMX Bellas daw ang bagong Sex Bomb?

“Nako! Hindi po yata ako maniniwala na kami ang bagong Sex Bomb,” paiwas na reaksiyon ni Quinn.

Esplika pa niya, “Wala naman po yatang makakapantay sa naachieve ng Sex Bomb. Basta po kami gagawin lang po namin ang best namin at e-enjoyin ang pagpe-perform. Bonus na lang po ang mga papuri ng tao.”

Posible bang magkaroon sila ng digital single?

“Wala pa po ako idea kung magkakaron eh. Basta po thankful na po kami na nabigyan kami ng ganitong opportunity ng Viva,” nakangiting pahayag pa ni Quinn.

Anyway, si Quinn ay mapapanood din sa pelikulang Litrato na tinatampukan nila ni Ai Ai delas Alas.

Gumaganap si Quinn dito bilang si Angel, isang istriktang caregiver na mapapalapit ang loob sa isang lolang may Alzheimer’s disease na gagampanan naman ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Wala pa po ako idea kung magkakaron eh. Basta po thankful na po kami na nabigyan kami ng ganitong opportunity ng viva.

Ang Litrato ay mula sa panulat ni Direk Ralston Jover at sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Tampok din dito sina Ara Mina, Bodjie Pascua, Duane David, Rowan Diaz, at Liza Lorena.

Ito ay hatid ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …