Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jersey Marticio Fred Paez Chess
CHESS CHAMPION. Si Jersey Marticio (kanan) kasama sa litrato si Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Fred Paez sa awarding ceremony ng Vice Gov. Athena Bryana D. Tolentino National Age Group Chess Championships na ginanap sa Tagaytay International Convention Center sa Cavite noong Marso 5, 2023. Si Marticio ang nag reyna sa girls' under-16 title.

Marticio ng Laguna nagkampeon sa Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Youth and Schools Chess Championships Grandfinals


 MANILA—Pinagharian ni Woman National Master Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna ang girls’ Under-17 division ng Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Huwebes , Hunyo 8, 2023.
Ang 15-anyos na si Marticio, isang Grade 10 student ng Pulo National High School ay nakakolekta ng 6.5 puntos sa pitong outings.
Naitala ni Marticio ang mga tagumpay laban kina Arleah Cassandra Sapuan ng Valencia, Negros Oriental sa unang round, Sara Dalagan ng Tagoloan, Misamis Oriental sa ikalawang round, April Joy Claros ng Angeles City, Pampanga sa ikatlong round, Shaniah Francine Tamayo ng San Jose Del Monte City, Bulacan sa fourth round, Kyla Deloso Dalagan ng Tagoloan, Misamis Oriental sa sixth round at Samantha Babol Umayan ng Davao City sa ikapito at huling round.
Hinati niya ang mga puntos kay Kate Nicole Ordizo ng Alaminos City, Pangasinan sa fifth round.
“It’s been an uphill battle for me but my nerves somehow held and I was able to make it,” ani Marticio, produkto ng grassroots chess program ng Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Fred Paez.
“I am very happy with this victory,” dagdag pa ni Marticio na suportado ang kanyang kampanya dito nina Laguna Gov. Ramil Laurel Hernandez, Laguna 2nd District Rep. Ruth Bayani Mariano-Hernandez at Cabuyao City Mayor Dennis Felipe ‘DenHa’ Hain.
Matatandaang nagkampeon rin si Marticio sa Vice Gov. Athena Bryana D. Tolentino National Age Group Chess Championships sa Tagaytay International Convention Center noong Marso 5.
Kaya naman, kakatawanin ni Marticio ang bansa sa darating na 21st ASEAN+ Age Group Chess Championships 2023 na gaganapin sa Hunyo 17 hanggang 27 sa Bangkok, Thailand. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …