RATED R
ni Rommel Gonzales
TATLONG Sparkle/Kapuso female stars at Voltes V: Legacy cast members ang nag-franchise ng Nailandia nail salon and foot spa. Sina Elle Villanueva (bilang Eva Sanchez), Sophia Senoron (bilang Ally Chan), at Ysabel Ortega (na gumaganap bilang Jamie Robinson sa Voltes V).
Tinanong namin ang may-ari ng Nailandia na si Noreen Divina kung paano ito nagsimula?
“Kumbaga ex-deal na sila ng Nailandia, sponsor ng anails nila ng Nailandia. Kumbaga ‘pag may events punta lang sila sa Nailandia.
“And then one time nag-message sa amin si Sophia, siya ang tulay, eh. So, sabi niya interested silang mag-franchise ng isang branch. Silang tatlo, sosyo.”
Bago matapos ang 2023 ay magbubukas na ang Nailandia branch nina Ysabel, Elle, at Sophia sa Il Terrazzo sa Tomas Morato sa Quezon City.
Masayang-masaya si Noreen sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat na sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.
“Very thankful, grateful kay Lord!
“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga.”
Labindalawang taon na ang Nailandia na isang kilalang chain ng nail salon at foot spa na pag-aari ng mag-asawang Noreen at Juncynth Divina.
Nagsimula ang Nailandia dahil na rin sa hilig ni Noreen na magpa-footspa.
“So dati ‘pag tumatawag ‘yung husband ko, everytime tatawag ang husband ko, ‘Asan ka?’
“Tapos sasabihin ko, ‘Andito ako sa spa.’ ‘Andiyan ka na naman?’ “Weekly, ‘Andiyan ka na naman? Ano kaya kung magtayo ka na ng sarili mo?’
“So parang may light bulb na umano sa ulo ko, ‘Oo nga naman, ano?’
“So ayun nag-aral ako, inaral ko lahat ng services. As in I know how to do all of them. ‘Pag pumupunta ako ng mga franchise visit, kapag maraming clients tapos puno, tapos may waiting, hindi ko na papaalisin, ako na gagawa!”
Nag-aral si Noreen sa mga eskuwelahang may kinalaman sa mga serbisyo ng nail salon at foot spa.
“May course, iba-iba, ‘pag sa nails ibang course ‘yan, sa spa ibang course ‘yan, sa massage ibang course ‘yan, sa waxing, sa eyelash iba-iba, hindi lang siya isang buong course.”
Rito sa Pilipinas at sa abroad nagsanay si Noreen sa mga nabanggit na serbisyo.
“Dapat din pupunta ako sa California kaso ‘yung teacher sa California siya na ‘yung pumunta rito so, suwerte naman na na-timing-an ko na pumunta ‘yung teacher sa California rito sa Pilipinas so , a kanya ako nag-aral.”
Sa kasalukuyan, may branches/franchises na ang Nailandia sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
“And soon baka sa UAE or US,” pagbabahagi pa ni Noreen.