Monday , December 23 2024
BGC Makati Taguig

SC kinontra si Makati Mayor Abby Binay

ITINANGGI ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na may ipinalabas na kautusan ang Korte Suprema na nagtatakda ng oral argument para sa territorial dispute sa pagitan ng Taguig at Makati City na nagkaroon ng final and executory decision na ang pinag-aagawang Bonfacio Global City (BGC) at siyam na barangay ay nasa legal na hurisdiksiyon ng Taguig City.

Ayon kay SC Spokesman, Atty. Hosaka wala syang alam na ganitong ipinalabas na kautusan.

“I have no information about an oral argument being set regarding this case,” nakasaad sa text message na ipinadala ni Hosaka sa mga mamamahayag.

Sinabi ni Hosaka, kung mayroong  ganitong kautusan ang Korte Suprema ay ipalalabas sa website at social media account ng kataastaasang hukuman.

“The SC-PIO (Public Information Office) will immediately post any notices in the SC website and official Twitter account should we receive any,” dagdag ni Hosaka.

Ang paglilinaw ni Hosaka ay bilang reaksiyon sa pahayag ni Makati City Mayor Abby Binay na nakatanggap ang Makati City Legal Office ng dokumento na nagtatakda ng oral argument para sa territorial dispute.

“As far as the document that we received, they actually even set it for hearing, that means its not yet final. Kasi sa Omnibus Motion namin wala pang aksiyon so as far the city is concerned there is still pending motion,” pahayag ni Binay.

Nang tanungin si Binay kung kailan ang petsa ng hearing base sa natanggap nilang dokumento ay hindi pa niya umano alam.

“Hindi namin alam kasi ‘di ba naka-break ang Supreme Court, hopefully by this month we will get some idea,” ani Binay.

Dugtong ng alkalde, oral argument ang itinakda ng SC alinsunud sa natanggap nilang dokumento.

“Oral aguments ito kasi part of our motion is to go before the en banc and have oral orgument. This is very important issue that would affect 200,000 residents,” paliwanag ni Binay.

Samantala, sa panig ng Taguig City sinabi nitong wala silang natatanggap na ganitong dokumento.

Taliwas ang pahayag ni Binay sa resolusyon na ipinalabas ng Korte Suprema noong Abril na nagsasabing ibinasura na ang Omnibus Motion ng Makati City na humihiling na iakyat ang territorial dispute case sa SC en banc at magkaroon ng oral argument sa kaso.

Una nang ipinaliwanag ni Hosaka na pinal na ang ipinalabas na desisyon ng SC hinggil sa Makati-Taguig territorial dispute at kasamang ibinasura ang mosyon na humihiling na magtakda ng oral arguments.

“SC has shut down all efforts of Makati City to revive the land dispute as the Resolution ordered to no longer entertain pleadings, letters, motion or any other communication regarding the case. The ruling also enjoined Makati from exercising jurisdiction over, making improvements on or treating as part of its territory the area comprising Fort Bonifacio,” nauna nang paliwanag ni Hosaka ukol sa naging desisyon ng SC.

Idinadag niyang nagkaroon ng Entry of Judgement sa kaso na nangangahulugan na ang desisyon ay final and executory.

Sa pagresolba sa territorial dispute ay mas pinaniwalaan at binigyang bigat ng mga mahistrado ang mga ebidensiya at argumento na naiharap ng Taguig.

“Considering the historical evidenced adduced, cadastral surveys submitted and the contemporaneous acts of lawful authorities. We find that Taguig presented evidence that is more convincing and worthier belief than those proffered by Makati,” saad sa desisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …