Wednesday , May 14 2025
Bulacan Police PNP

Mga tulak, pugante at sugarol sunod-sunod na kinalawit

SA pinatindi pang police operations sa Bulacan ay sunod-sunod na naaresto ang mga nagkalat na tulak, mga nagtatagong pugante at mga pasaway na sugarol sa lalawigan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa mga serye ng drug sting operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Units (SDEUs) ng Pandi, Bocaue, Norzagaray, SJDM, at Baliwag C/MPS ay nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na suspek sa droga.

Ang mga arestadong indibiduwal ay kinilalang sina Bryan Salvador, Mel Dela Cruz, at Raymond Legaspi mula sa Pandi; Egardo Sta. Maria at Nestor Villanueva mula Bocaue; Joel Santiago mula Norzagaray; Arturo Marasigan at Felino Dimailig mula SJDM City; at Nestor Cunanan mula Baliwag City. 

Sa ikinasang operasyon ay nakumpiska ng mga operatiba ang kabuuang 26 pakete ng pinaghihinalaang shabu at marked money.

Samantalang sa masigasig na pagsisikap na mahanap at madakip ang mga nagtatagong pugante ay naging matagumpay ang Bulacan PNP matapos maaresto ang apat na akusado sa iba’t-ibang krimen.

Ang mga ito ay arestado sa isinilbing warrant arrest ng mga warrant officers ng Guiguinto, Norzagaray, SJDM, at Angat C/MPS. 

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Archie Delos Reyes para sa paglabag sa RA 9262; Leodegario Bernardino sa paglabag sa Section 12 Art II ng RA 9165 (service of sentence); Jed Vincent Yumul para sa krimeng “Acts of Lasciviousness” (2 counts); at Albert Varilla sa paglabag sa Sec. 5 Art II ng R.A. 9165.

Sa inilatag namang anti-illegal gambling operations ng San Ildefonso MPS sa Akle, San Ildefonso, at Malolos CPS sa Pamarawan, Malolos City, ay nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong sugarol na naaktuhan sa pagsusugal ng “tong-its” at limang indibiduwal na sangkot naman sa color games at drop ball. 

Nakumpiska ng pulisya sa mga suspek ang sets ng playing cards, table set para sa color games, isang colored wooden box, mesa para sa drop ball, rubber ball, at perang taya sa iba’t-ibang denominasyon na gagamiting ebidensiya.

Sa isinagawang paghahalughog ng mga police operatives, si Salvador Abacayen ng Akle, San Ildefonso, ay nakitaan ng dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu.(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …