Monday , December 23 2024
More Power

Kasabay ng refund sa bill deposits ng customers
SINGIL SA KORYENTE NG MORE POWER MAS BUMABA
Mula Enero hanggang Hunyo,

SA LOOB ng magkakasunod na anim na buwan ngayong taon, bumaba ang singil sa koryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyohan nito sa Iloilo City.

Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba nang halos P1 sa  P12.2990 per kilowatt-hour (kWh) mula P13.2511 per kWh.

“This is the 6th straight month that MORE Power is reducing its rates,” ayon sa MORE Power.

Pahayag ng More Power ang pagbaba ng singil ay bunsod ng pagbaba ng generation cost, resulta umano ito ng pagdagdag ng geothermal power sa power supply mix na ginawa ng Energy Development Corp.

Ang pagpasok ng renewable energy supplier sa supply mix ay naging daan para bumaba ang value added tax (VAT)  sa generation charge na nasa P0.1613 per kWh.

Ang Geothermal power ay isang renewable energy source na hindi lamang cost-effective bagkus maraming environmental benefits.

Naging malaking kontribusyon din sa pagbaba ng singil sa koryente ang spot market price sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), ang pagbaba ng presyo ng coal gayondin ng transmission charge na bumaba sa P0.7226 per kWh mula sa P0.9057 per kWh noong nakaraang buwan.

Sinabi ng More Power, ang pagbaba sa mga charges ay humatak din para bumaba ang system loss charge mula 7.00 % ay naging 6.49 % na dagdag tulong din sa bayarin ng mga customer.

Matatandaan, kamakalawa ay pinasimulan ng MORE Power ang bill deposit refund sa kanilang mga customer.

Ang Bill deposit ay ibinabayad ng mga subscriber kapag nag-apply ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for residential electric consumers, ang bill deposit ay kailangang ibalik ng mga Distribution Utilities (DU) makalipas ang tatlong taon o 36 buwan sa kondisyon na ang consumer ay nagbabayad sa oras at walang record ng disconnection.

Alinsunod sa nasabing batas, ang customer ay kailangan mag-apply para sa bill deposit refund ngunit sa inisyatibo ng More Power ay ito mismo ang nagkusang tumawag at nagpabatid sa kanilang customer na maaari nang kunin ang kanilang refund.

Sinabi ni Power President at CEO Roel Castro ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangaring maging ehemplo sa iba pang distribution utilities (DU).

“Even if the customer does not ask for it, we go out of our way to inform the customers that this is due you and we will return it. Since we don’t have any intention to use the money, we do not have the intention to keep the money; we do not have the intention of using it for our operation; why keep it when it is already due for return,” pahayag ni Castro.

Idinagdag ni Castro, mayroong P5 milyong pondo ang MORE Power para sa bill deposit refund kaya hinimok niya ang mga customer na magbayad sa oras upang makalipika sa balik bayad.

Itinuring na “milestone” ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang bill deposit refund initiative ng MORE Power.

Ayon kay ERC Commissioner Alexis Lumbatan bihira  sa mga distribution utility ang magbalik ng bill deposit refund kaya isa itong “milestone” na dapat tularan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …