MALAKING blessing talaga ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa mga Filipino dahil patuloy pa rin sila sa pag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan saan mang panig ng bansa. Nitong Mayo, tatlong malalaking proyekto ang inorganisa ng GMAKF.
Para sa Mother’s Day, naghandog ang GMAKF ng free breast examination at pap smear tests, at cervical at breast cancer awareness lectures sa ilang nangay sa San Luis, Batangas; Natonin, Mountain Province; at Victoria, Tarlac.
Nag-offer din sila ng ECG, blood sugar tests, at hypertension awareness lectures sa Gabaldon, Nueva Ecija at Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan bilang paggunita sa Hypertension Awareness Month.
May ipinagagawa rin itong Kapuso School Building sa Binibitinan Elementary School sa Polillo, Quezon na nasira dahil sa Super Typhoon Karding noong nakaraang taon.
Bilang isa sa mga trusted media-based foundations na accredited ng DSWD, PCNC, at BIR, ang mga donasyon sa GMAKF ay 100 percent tax deductible.
For sure, marami pa silang mahahatiran ng biyaya sa tulong na rin ng mga donasyon ng mga mapagbigay na Kapuso. Para mag-donate, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate