RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG pagiging deboto ni Kim Chiu kay Santo Padre Pio ng Pietrelcina ang isa sa naging topic sa mediacon nang ilunsad ang aktres bilang brand ambassador ng Sisters Sanitary Napkins kamakailan.
Nabanggit ito ni Kim nang makumusta ang tungkol sa lagay ng kanyang kapatid na si Lakam na matagal naospital.
“Totoo talaga ang Padre Pio, isa talaga siyang miracle. Another miracle sa buhay ko na nangyari talaga.
“Ah ‘yun! Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Akala ko, wala na. Natakot talaga ako.
“Wala! Blangko! Nagkasakit pa ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Ang baba-baba na ng energy ko. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas.”
Matimtim daw na nanalangin si Kim sa simbahan ni Santo Padre Pio sa Libis sa Quezon City.
“Tambay na lang talaga ako sa Padre Pio church sa Libis.
“Wala, doon lang ako buong araw,” kuwento ni Kim.
At parang himala na gumaling ang kanyang kapatid. Parang walang nangyari lang na balik sa dati, at punompuno na ito ng sigla at lakas.
“Sobrang okay! Parang birthday! Happy birthday! Mag-enjoy ka, ganyan. So, God is really good sa lahat.’”
Dahil sa pinagdaanan ay natutunan ni Kim ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugan.
“Oo naman! We’ve been with each other side by side. Siya ang nasa harapan ko, parang ganoon. Siya talaga ‘yung lakas ko left and right, ang ate ko.
“Kaya noong nangyari ‘yun, snap lang talaga eh. Kaya kayo, alagaan niyo ‘yung health niyo. ‘Pag alam niyo na pagod na kayo…. talagang nag-advise pa ako. Pero ‘pag pagod na kayo, matulog na kayo.”