Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aljur Abrenica AJ Raval Philip Lipnica Lui Lipnica

Aljur at AJ umiwas magpa-interbyu

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA pambihirang pagkakataon ay magkasamang dumalo sa isang public event ang magkasintahang Aljur Abrenicaat AJ Raval.

Dumalo sila sa grand opening ng bagong branch ng Idara Aesthetics and Café sa North Tower ng SM The Block.

As expected, sa umpisa ay umiwas magpa-interview ang dalawa, dumiretso sila sa holding area ng clinic pagdating.

Pero sa ribbon-cutting ay lumabas na sila at bumati naman sa ilang members ng media na naroroon kabilang ang inyong lingkod.

Sinabi naman ni Aljur na okay lang silang interbyuhin pero wala lang personal questions. Kaya raw sila naroroon ay bilang suporta sa Idara Aesthetics and Café Cinic ng mga kaibigan nilang mag-asawang Philip at Lui Lipnicana may-ari.

Ayoko munang magsalita ng anything personal. Kasi baka ma-front page na naman to, eh. We’re here for our friends.

“Kaibigan namin ‘yung may-ari, kinuha kami para sumuporta rito.

“Kasi may mga several businesses sila, ‘yung family nila, and may mga resort sila, pinupuntahan namin ‘yun.

“We’re very happy sa success nitong opening ng aesthetics nila. 

“Kanina, sa MOA, ngayon dito naman sa SM North. Iyon ‘yung reason kung bakit kami nandito.

“For now, hindi naman siya magandang pag-usapan,” pagtukoy ni Aljur sa mga personal na aspeto ng buhay nila ni AJ.

Hindi pa sila official na celebrity endorsers ng clinic pero ayon kay Ms. Lui ay inaayos  nilang kunin sina Aljur at AJ na endorser ng kanilang clinic na ang main branch ay nasa Timog Ave., Quezon City. May branch din sila sa Robinson’s Galleria, Ayala Felize sa Marcos Highway, at magkakaroon na rin sa Cloverleaf.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …