Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Simon Abrenica Curt del Rosario

2 produkto ng Cosmo pageant aarte sa Finding Daddy Blake, rarampa sa Beyond Fashion Manila 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BANGGITIN mo ang salitang “Taklobo” matatawa ang mag-asawang Marc Cubales at Joyce Peñas Pilarsky. Mapapa-iling.

Pero out of the question na muna raw ang mga isyung may kinalaman doon sa pinagdaanan nila.

This time,  gusto na ni Marc bilang producer na maipalabas na ang sinimulan ni direk Jay Altarejos na Finding Daddy Blake na tatapusin niya at ni direk Frank Lloyd Mamaril.

May mga kinailangan lang silang plantsahin sa mga eksena sa istorya tungkol sa kontrobersiyal na personalidad na umano’y bumibiktima sa maraming kalalakihan sa mga kinunan nitong video at lumabas sa social media.

Dahil nagpapalaganap din ng mga pageant at fashion shows sina Marc at Joyce, dalawang fresh from their Cosmopageant ang papaimbulugin sa nasabing pelikula.

Raw talents at walang  mga karanasan sa pag-arte ang napa-arte sa iniatang na mga role sa kanila.

Sina Simon Abrenica at Curt del Rosario.

Panalo na sa following at subscribers nila sa TikTok at iba pang social media apps ang dalawa. Kaya nga ngayon pa lang, nakaabang na ang  mga tagasubaybay nila sa gagawin ng dalawa sa kontrobersiyal na pelikula. Kung hanggang saan ba ang ibibigay nila sa hihilingin sa kanila.

Proud naman si Marc sa pagsasabing hindi naman sila nagkamali sa pagpili kina Simon at Curt.

Mga kontesero sa pageants. Tiktokerist. Modelo. Ngayon, artista.

Rarampa rin sila sa pinaka-bonggang fashion event na ima-mount ni Joyce sa Okada this coming September 14, 2023 sa Beyond Fashion Manila: A Charity Gala.

‘Di naman makalilimutan ni Joyce ang proyekto dahil siya ang huling nag-pictorial sa fascade ng Post Office bago ito tinupok ng apoy. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …