Tuesday , January 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lizzie Aguinaldo Vilma Santos Christopher de Leon

Newbie singer tinanggihan Vi-Boyet movie

I-FLEX
ni Jun Nardo

BINIGYANg-PRIORIDAD ng baguhang singer na si Lizzie Aguinaldo ang pag-aaral kaysa acting break na mapapasama sa movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo.

Ayon kay Lizzie sa launching ng kanta niyang Baka, Puwede Na under Star Music, nag-audition siya para sa role na kaibigan ni Cassey Legaspi.

Kasama po sana ako sa Japan shooting, eh may klase po ako tapos exams week pa. Kaya hindi na ako sumama pa. Nag-audition po ako para sa role bilang friend ni Cassey,” pahayag ni Lizzie.

Eh dahil passion ni Lizzie ang pagkanta, pinagbigyan siya ng mga negosyanteng magulang ang pagkanta. Sa isang international school siya nag-aaral at Architecture ang kursong gustong kunin.

Kung sakaling may darating na offers para maging artista eh payag naman si Lizzie basta walang conflict sa studies niya.

Labas na sa streaming app ang kanta ni Lizzie na mula sa komposisyon ng writer-director na si Joven Tan.

Fifteen years old pa lang si Lizzie pero marunong sumagot ang bata, huh! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Maricar Aragon

Benefit concert ni Maricar Aragon matagumpay

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang kaatatapos na benefit concert ng singer na si Maricar Aragon, ang Me …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley napakahusay sa Bar Boys: After School 

MATABILni John Fontanilla ISA sa hinangaan sa entries ngayon sa Metro Manila Film Festival 2025 ay ang …

Kathryn Bernardo Mark Alcala

Kath at Marc magkasama noong New Year

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAYAGAN na ang pagkukompara ng mga netizen kina Kaila Estrada at Kathryn Bernardo. May …

GMA ABS-CBN TV5

TV5, GMA, ABS-CBN game na game sa labanan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITING nga ang TV network wars this 2026. Sa aminin man …

MMFF 2025 Movies

MMFF entries bigong maabot bilyong kita sa takilya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HAPPY New Year mga Ka-Hataw. Nakaka-sad naman ang balitang five days …